DLSU Senior High School Research Congress Conference Proceedings
Document Type
Paper Presentation
Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)
Mapugay, Ma. Jayanne C.
Abstract/Executive Summary
Pawang nakatuon sa katangian at identidad ang mga diskurso sa lesbiyana sa pelikulang Pilipino subalit hindi pa nasusuri ang dating ng mga tauhang ito nang nakatuon sa teksto. Tinumbok ng pag-aaral na ito ang dating ng anim na lesbiyanang tauhan gamit ang modelo ni Tiongson (2022). Sumandig ang modelo sa Dating ni Lumbera (2000) na tumutuklas sa mga kondisyon sa pagtanggap ng mga likhang-pampanitikan. Natagpuan ang mga karanasang naglululan ng dating ng mga lesbiyanang tauhan na kinatawan ng mga pangunahing temang: Pagpapahalaga sa Propesyon, Pagtutulad sa Lalaki at mga Istiryotipo, Pagkakaila sa Sekswalidad, Pagbubunsod ng Pandalawang-Kasariang Pamantayan ng Lipunan, at Pagturing na Makasalanan. Binubuo ito ng mga elemento ng pananamit, kilos, lengguwahe, at espasyo. Nabatid na ang kanilang dating ay bunga ng impluwensiya ng lipunan at kalimitang may tensyon sa dualidad: para sa sarili (panloob) at para sa lipunan (panlabas). Natuklasang may pag-unlad ang lesbiyanang representasyon sa midya at ang kontekstong panlipunan ng kanilang dating, kung saan palasak ang diskriminasyon, impluwensiyang panrelihiyon, at mga istiryotipo sa pelikulang 1980s, may kaunti nang pagtanggap ngunit kalimitang ginagawang katatawanan at patuloy ang pagsunod sa pandalawang-kasariang pamantayan sa pelikulang 2000s, mas bukas na representasyon subalit may mga limitasyon pa rin sa pelikulang 2010s, at higit na komportable ang representasyon at suporta maging may relihiyosong oposisyon man sa pelikulang 2020s. Natuklasan sa pag-aaral na kakaunti lamang ang pagbago ng dating ng mga lesbiyanang tauhan sapagkat halos iisa lamang ang kanilang istiryotipikong paglalarawang kinakatawanan ng parehong mga elemento na umuudyok ng mas makabagong lesbiyanang paglalarawan.
Keywords
dating; lesbiyanang tauhan; pelikulang Pilipino; pandalawang-kasariang pamantayan; representasyong LGBTQIA+