Filipino Identity Sa Local Fashion Brands: Isang Pagsusuri sa Wika at Biswal na Imahen mula sa Branding ng Bayo at Tayo

Proponent/s Name/s (Last Name, First Name, Middle Initial)

Document Types

Paper Presentation

Research Theme (for Paper Presentation and Poster Presentation submissions only)

Media and Philippine Studies (MPS)

School Name

De La Salle University Senior High School(Manila)

Track or Strand

Humanities and Social Science (HUMSS)

Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)

Amtalao, John, A.

Start Date

23-6-2026 3:30 PM

End Date

23-6-2026 5:00 PM

Zoom Link/ Room Assignment

DLSU Manila Campus (In-person) - Don Enrique T. Yuchengco Hall - Y304

Abstract/Executive Summary

Patuloy ang pag-usbong ng mga local fashion brand sa Pilipinas, kaya’t nagiging mahalagang pag-aralan ang paggamit ng wika, imahen, at simbolo sa pagpapahayag ng pagka-Pilipino. Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang representasyon ng Filipino identity sa biswal at tekstuwal na elemento ng mga piling local fashion brands na Bayo at Tayo, gamit ang lente ng Pilipinolohiya ang Teorya ng Banga ni Prospero Covar (labas, loob, at lalim) upang mas maunawaan ang iba’t ibang antas ng kahulugan ng mga elementong ito. Gumamit ang pananaliksik ng kwalitatibong disenyo at isang data analysis matrix sa pagsusuri ng mga datos mula sa opisyal na website ng Bayo at Tayo. Kabilang sa mga sinuri ang kanilang logo, kampanya, adbokasiya, at inisyatiba. Batay sa resulta ng pananaliksik, ang paggamit ng wikang Filipino at visual na elements ay nakatutulong sa pagpapakita ng lokal na identidad. Ang mga elementong ito ay inaangkop sa modernong konteksto, kung saan nagiging bahagi ang mga ito ng estratehiya ng brand.  Ipinapakita ng pag-aaral na ito na ang pagka-Pilipino sa local fashion branding ay higit pa sa nakikitang panlabas na anyo, mas nauunawaan ito sa mas malalim na kahulugan sa pamamagitan ng Pilipinolohiya, gamit ang ugnayan ng wika, imahen, at kultura.

Keywords

filipino identity; pilipinolohiya; local branding; visual elements; cultural representation

Statement of Originality

yes

This document is currently not available here.

Share

COinS
 
Jun 23rd, 3:30 PM Jun 23rd, 5:00 PM

Filipino Identity Sa Local Fashion Brands: Isang Pagsusuri sa Wika at Biswal na Imahen mula sa Branding ng Bayo at Tayo

Patuloy ang pag-usbong ng mga local fashion brand sa Pilipinas, kaya’t nagiging mahalagang pag-aralan ang paggamit ng wika, imahen, at simbolo sa pagpapahayag ng pagka-Pilipino. Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang representasyon ng Filipino identity sa biswal at tekstuwal na elemento ng mga piling local fashion brands na Bayo at Tayo, gamit ang lente ng Pilipinolohiya ang Teorya ng Banga ni Prospero Covar (labas, loob, at lalim) upang mas maunawaan ang iba’t ibang antas ng kahulugan ng mga elementong ito. Gumamit ang pananaliksik ng kwalitatibong disenyo at isang data analysis matrix sa pagsusuri ng mga datos mula sa opisyal na website ng Bayo at Tayo. Kabilang sa mga sinuri ang kanilang logo, kampanya, adbokasiya, at inisyatiba. Batay sa resulta ng pananaliksik, ang paggamit ng wikang Filipino at visual na elements ay nakatutulong sa pagpapakita ng lokal na identidad. Ang mga elementong ito ay inaangkop sa modernong konteksto, kung saan nagiging bahagi ang mga ito ng estratehiya ng brand.  Ipinapakita ng pag-aaral na ito na ang pagka-Pilipino sa local fashion branding ay higit pa sa nakikitang panlabas na anyo, mas nauunawaan ito sa mas malalim na kahulugan sa pamamagitan ng Pilipinolohiya, gamit ang ugnayan ng wika, imahen, at kultura.

https://animorepository.dlsu.edu.ph/conf_shsrescon/2026/BoA_MPS/8