Utang na Loob sa Dugong Pilipino: Mga Salik na Nakaaapekto sa Relasyong Pampamilya

Document Types

Paper Presentation

Research Theme (for Paper Presentation and Poster Presentation submissions only)

Family, Relations, and Social Structure (FRS)

School Name

De La Salle University, Manila

Track or Strand

Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM)

Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)

Reyes, Jessica May, S.

Start Date

25-6-2026 10:30 AM

End Date

25-6-2026 12:00 PM

Zoom Link/ Room Assignment

Online - https://zoom.us/j/95274188371?pwd=bXhb7DQU3HQbLltdMsVaoT4A5iwGBr.1 Meeting ID: 952 7418 8371 | Passcode: research

Abstract/Executive Summary

Ang paggamit ng utang na loob ay karaniwang nakikita sa pamilyang Pilipino kung saan inaasahan ng mga magulang na ibalik ang kanilang kabutihang loob sa pagtanda, na siyang bumubuo ng tensyon sa loob ng pamilyang Pilipino. Bagamat deka-dekada nang sinasalik ang nasabing halaga, wala pa rin itong konkretong depinisyon. Mula dito, nilayon ng pananaliksik na ito na: a) tukuyin ang mga salik na nakaaapekto sa paggamit ng utang na loob; b) paano iniimpluwensyahan ng mga salik na ito ang relasyon ng pamilyang Pilipino, partikular sa  pagkakaisa at pagkakawatak-watak; at c) paano makabubuo ng balanseng paggamit sa nasabing halaga. Ginamit bilang batayan ang Ecological Systems Theory (EST) ni Bronfrenbrenner upang ipakita kung paano hinuhubog ng pamilya, ang inaasahan, at mga obligasyon ang paggamit ng utang na loob para suriin ang mga salik na nakakaapekto sa halagang ito. Sa pamamagitan ng pagsusuri  sa mga umiiral na pananaliksik, natuklasan ng mga mananaliksik na malaking impluwensya ng utang na loob sa relasyon ng isang pamilya, kaya naman, mahalagang gamitin ito nang balanse upang mapalakas ang ugnayan ng pamilya, at nang magamit ito bilang kasangkapan sa pagtataguyod ng hustisya at pagkakapantay-pantay sa kanilang ugnayan.

Keywords

utang na loob; mga salik; pamilyang Pilipino; thematic analysis; microsystem

Statement of Originality

yes

This document is currently not available here.

Share

COinS
 
Jun 25th, 10:30 AM Jun 25th, 12:00 PM

Utang na Loob sa Dugong Pilipino: Mga Salik na Nakaaapekto sa Relasyong Pampamilya

Ang paggamit ng utang na loob ay karaniwang nakikita sa pamilyang Pilipino kung saan inaasahan ng mga magulang na ibalik ang kanilang kabutihang loob sa pagtanda, na siyang bumubuo ng tensyon sa loob ng pamilyang Pilipino. Bagamat deka-dekada nang sinasalik ang nasabing halaga, wala pa rin itong konkretong depinisyon. Mula dito, nilayon ng pananaliksik na ito na: a) tukuyin ang mga salik na nakaaapekto sa paggamit ng utang na loob; b) paano iniimpluwensyahan ng mga salik na ito ang relasyon ng pamilyang Pilipino, partikular sa  pagkakaisa at pagkakawatak-watak; at c) paano makabubuo ng balanseng paggamit sa nasabing halaga. Ginamit bilang batayan ang Ecological Systems Theory (EST) ni Bronfrenbrenner upang ipakita kung paano hinuhubog ng pamilya, ang inaasahan, at mga obligasyon ang paggamit ng utang na loob para suriin ang mga salik na nakakaapekto sa halagang ito. Sa pamamagitan ng pagsusuri  sa mga umiiral na pananaliksik, natuklasan ng mga mananaliksik na malaking impluwensya ng utang na loob sa relasyon ng isang pamilya, kaya naman, mahalagang gamitin ito nang balanse upang mapalakas ang ugnayan ng pamilya, at nang magamit ito bilang kasangkapan sa pagtataguyod ng hustisya at pagkakapantay-pantay sa kanilang ugnayan.

https://animorepository.dlsu.edu.ph/conf_shsrescon/2026/BoA_FRS/5