Pangungumusta sa Katangian at Tunguhin ng Sikolohiyang Pilipino (SP) sa Diwa E-Journal sa Nakaraang Dekada: Isang Sistematikong Rebyu

Document Types

Paper Presentation

School Name

De La Salle University

Track or Strand

Humanities and Social Science (HUMSS)

Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)

Taeza, Jeyson, T.

Start Date

23-6-2025 3:30 PM

End Date

23-6-2025 5:00 PM

Zoom Link/ Room Assignment

EKR 404

Abstract/Executive Summary

Hindi matatawaran ang ambag ng pananaliksik at mga journal sa pagsulong ng mga layunin ng Sikolohiyang Pilipino (SP). Pagkalipas ng limampung taon simula nang isilang ang intelektuwal na kilusan, may pangangailangang kumustahin ang narating nito sa larangan ng pananaliksik at publikasyon. Sa pamamagitan ng isang sistematikong rebyu, nilayon ng pag-aaral na suriin ang mga katangian at tunguhin ng mga nailimbag na pananaliksik sa Diwa E-journal bilang isa sa mga pinakamatatandang monolingguwal na journal na nakatuon sa SP. Nagsagawa rin ang pag-aaral ng isang pakikipagkuwentuhan sa kasalukuyang punong patnugot ng Diwa E-journal upang higit na mapalalim ang mga datos na naging bunga ng sistematikong rebyu. Lumabas sa pag-aaral na mayaman ang dinamika ng paggamit ng dalawang uri ng pagsasakatutubo ng mga pananaliksik sa Diwa E-journal. Dapat maitala na mas maraming mga pananaliksik ang nakatuon sa pagpapalitaw ng mga konsepto nasa loob. Gayunman, ipinakita ng datos na nananatiling mababa ang pagtuon ng mga pananaliksik sa aspektong metodolohikal o ang adaptasyon o pagbuo ng mga instrumento o metodolohiya na angkop sa kulturang Pilipino. Napag-alaman din sa pag-aaral na patuloy na nagiging hamon sa pagsulong ng SP sa pananalisik ang kasalukuyang academic landscape ng Pilipinas na mas nakatuon sa paglilimbag ng mga pag-aaral na nasa wikang Ingles at pagkiling ng mga manunulat sa publikasyon sa mga indexed na journal. May pangangailangan ding mas paramihin pa ang mga institusyong kumikilala at gumagamit ng SP bilang direksyon ng pagtuturo ng Sikolohiya at pananaliksik sa bansa.

Keywords

Sikolohiyang Pilipino, pananaliksik, metodolohikal, pagpapalitaw ng nasa loob, publikasyon

Research Theme (for Paper Presentation and Poster Presentation submissions only)

Media and Philippine Studies (MPS)

Statement of Originality

yes

This document is currently not available here.

Share

COinS
 
Jun 23rd, 3:30 PM Jun 23rd, 5:00 PM

Pangungumusta sa Katangian at Tunguhin ng Sikolohiyang Pilipino (SP) sa Diwa E-Journal sa Nakaraang Dekada: Isang Sistematikong Rebyu

Hindi matatawaran ang ambag ng pananaliksik at mga journal sa pagsulong ng mga layunin ng Sikolohiyang Pilipino (SP). Pagkalipas ng limampung taon simula nang isilang ang intelektuwal na kilusan, may pangangailangang kumustahin ang narating nito sa larangan ng pananaliksik at publikasyon. Sa pamamagitan ng isang sistematikong rebyu, nilayon ng pag-aaral na suriin ang mga katangian at tunguhin ng mga nailimbag na pananaliksik sa Diwa E-journal bilang isa sa mga pinakamatatandang monolingguwal na journal na nakatuon sa SP. Nagsagawa rin ang pag-aaral ng isang pakikipagkuwentuhan sa kasalukuyang punong patnugot ng Diwa E-journal upang higit na mapalalim ang mga datos na naging bunga ng sistematikong rebyu. Lumabas sa pag-aaral na mayaman ang dinamika ng paggamit ng dalawang uri ng pagsasakatutubo ng mga pananaliksik sa Diwa E-journal. Dapat maitala na mas maraming mga pananaliksik ang nakatuon sa pagpapalitaw ng mga konsepto nasa loob. Gayunman, ipinakita ng datos na nananatiling mababa ang pagtuon ng mga pananaliksik sa aspektong metodolohikal o ang adaptasyon o pagbuo ng mga instrumento o metodolohiya na angkop sa kulturang Pilipino. Napag-alaman din sa pag-aaral na patuloy na nagiging hamon sa pagsulong ng SP sa pananalisik ang kasalukuyang academic landscape ng Pilipinas na mas nakatuon sa paglilimbag ng mga pag-aaral na nasa wikang Ingles at pagkiling ng mga manunulat sa publikasyon sa mga indexed na journal. May pangangailangan ding mas paramihin pa ang mga institusyong kumikilala at gumagamit ng SP bilang direksyon ng pagtuturo ng Sikolohiya at pananaliksik sa bansa.

https://animorepository.dlsu.edu.ph/conf_shsrescon/2025/paper_mps/2