Banyuhay ng Makabayang Bakla: Ang Naratibo at Pagkakakilanlan ng mga Aktibistang LGBTQ+ sa Metro Manila

Document Types

Paper Presentation

School Name

De La Salle University Manila

Track or Strand

Humanities and Social Science (HUMSS)

Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)

Alemania, Belle Beatriex’ M.

Start Date

23-6-2025 1:30 PM

End Date

23-6-2025 3:00 PM

Zoom Link/ Room Assignment

Y502

Abstract/Executive Summary

Ang salitang banyuhay, o “bagong anyo at buhay,” ay isang metapora na sumasalamin sa pag-usbong ng pagkakakilanlan ng mga aktibistang LGBTQ+, subalit bihira pa ring tinatalakay ang diskurso ukol dito. Nilayon ng pananaliksik na itong bigyang-pansin ang mga salik na nag-udyok sa mga aktibistang LGBTQ+ na sumali sa mga organisasyong pang-LGBTQ+ at ang papel nito sa paghubog ng kanilang pagkakakilanlan. Ginamit ang disenyong narrative case study upang masiyasat ang mga personal na naratibo mula sa pagladlad ng kanilang pagka-LGBTQ+ hanggang sa pagiging ganap na aktibista. Sumailalim sa semi-structured interview ang anim na kalahok na nanggaling sa iba't ibang organisasyon mula sa Metro Manila. Sinuri ang datos gamit ang Modelo ng Pagsusuri ng Salaysay ni Labov (1972) upang matiyak ang pagkakasunod-sunod ng mga naratibo. Isinalaysay ng mga kalahok ang pagkamulat sa kanilang pagkakakilanlan bilang LGBTQ+ hanggang sa tuluyan nilang kinilala ang sarili bilang mga aktbista. Mula sa pagsusuring ito, lumitaw ang sumusunod na tema sa panloob at panlabas na salik na nag-udyok sa kanilang tuluyang paglahok sa aktibismo: (1) maagang pagkamulat at pagtuklas sa sarili, (2) personal na pagbubuo at pagninilay ng identidad, at (3) impluwensiya ng relasyon sa paligid. Batay sa Social Identity Theory–Self-Categorization Theory, lumabas na pinapahalagahan ng mga aktibista ang kolektibong identidad at pakikilahok. Higit sa lahat, hangarin ng pananaliksik na itong bigyan ng plataporma ang mga aktibistang LGBTQ+ upang buwagin ang mga maling kuro-kuro tungkol sa kanila, at patunayang malaki ang gampanin ng mga makabayang bakla sa pagbuo ng isang makulay at pantay na lipunan.

Keywords

pagkakakilanlan, naratibo, LGBTQ+, aktibista, Metro Manila

Research Theme (for Paper Presentation and Poster Presentation submissions only)

Gender, Human Development, and the Individual (GHI)

Statement of Originality

yes

This document is currently not available here.

Share

COinS
 
Jun 23rd, 1:30 PM Jun 23rd, 3:00 PM

Banyuhay ng Makabayang Bakla: Ang Naratibo at Pagkakakilanlan ng mga Aktibistang LGBTQ+ sa Metro Manila

Ang salitang banyuhay, o “bagong anyo at buhay,” ay isang metapora na sumasalamin sa pag-usbong ng pagkakakilanlan ng mga aktibistang LGBTQ+, subalit bihira pa ring tinatalakay ang diskurso ukol dito. Nilayon ng pananaliksik na itong bigyang-pansin ang mga salik na nag-udyok sa mga aktibistang LGBTQ+ na sumali sa mga organisasyong pang-LGBTQ+ at ang papel nito sa paghubog ng kanilang pagkakakilanlan. Ginamit ang disenyong narrative case study upang masiyasat ang mga personal na naratibo mula sa pagladlad ng kanilang pagka-LGBTQ+ hanggang sa pagiging ganap na aktibista. Sumailalim sa semi-structured interview ang anim na kalahok na nanggaling sa iba't ibang organisasyon mula sa Metro Manila. Sinuri ang datos gamit ang Modelo ng Pagsusuri ng Salaysay ni Labov (1972) upang matiyak ang pagkakasunod-sunod ng mga naratibo. Isinalaysay ng mga kalahok ang pagkamulat sa kanilang pagkakakilanlan bilang LGBTQ+ hanggang sa tuluyan nilang kinilala ang sarili bilang mga aktbista. Mula sa pagsusuring ito, lumitaw ang sumusunod na tema sa panloob at panlabas na salik na nag-udyok sa kanilang tuluyang paglahok sa aktibismo: (1) maagang pagkamulat at pagtuklas sa sarili, (2) personal na pagbubuo at pagninilay ng identidad, at (3) impluwensiya ng relasyon sa paligid. Batay sa Social Identity Theory–Self-Categorization Theory, lumabas na pinapahalagahan ng mga aktibista ang kolektibong identidad at pakikilahok. Higit sa lahat, hangarin ng pananaliksik na itong bigyan ng plataporma ang mga aktibistang LGBTQ+ upang buwagin ang mga maling kuro-kuro tungkol sa kanila, at patunayang malaki ang gampanin ng mga makabayang bakla sa pagbuo ng isang makulay at pantay na lipunan.

https://animorepository.dlsu.edu.ph/conf_shsrescon/2025/paper_ghi/2