Document Types

Paper Presentation

School Code

n/a

School Name

Asia Pacific College;

Abstract/Executive Summary

Tinignan sa pananaliksik na ito ang mga representasyong pangkasarian sa labingwalong YouTube videos ng LBC Express Inc. mula 2010 hanggang 2022. Inalam ng mga mananaliksik ang (1) ang mga estratehiyang retorikal na ginamit sa mga piling patalastas ng LBC Express Inc. at (2) ang mga mitong nakapaloob at naglalarawan sa representasyong pangkasarian sa mga videos na ito. Sa pamamagitan ng semiotika ni Roland Barthes lumabas ang mga sumusunod na resulta: (1) natagpuan na ang karaniwang estratehiyang retorikal na ginagamit sa mga patalastas ng LBC Express Inc. ang (a) statement of the fact, (b) pagbubura sa kasaysayan, (c) identipikasyon, (d) kuwantipikasyon ng kalidad, (e) inokulasyon o pagbabakuna, at (f) ang neither-norism; at, (2) mayroong natuklasang limang cultural icons: (a) Ang Trabahong Filipino, (b) Ang Breadwinner, (d) Babae sa Bahay, at (e) Lalaki: Matikas, Malakas. Sa kabuuan, maipalalagay na ang LBC Express Inc. ay may tradisyonal na pagtingin sa mga kasarian at naipapakita ito sa paraan ng pagbuo nila sa kanilang mga komersyal.

Keywords

LBC; kasarian; representasyong pangkasarian; semiotika; araling pangkasarian

Share

COinS
 
Jun 29th, 8:00 AM Jun 29th, 10:00 AM

Representasyong Pangkasarian sa mga Piling Patalastas ng LBC Express, Inc. gamit ang Semiotika ni Roland Barthes