Pag-asa, Pag-ibig, at Tatag ng Loob: Pagsusuri sa Diskograpiya ng SB19 gamit ang Hermenyutika ni Martin Heidegger

Document Types

Paper Presentation

Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)

Lorenzo Miguel Sotto Buenaflor

Abstract/Executive Summary

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa diskograpiya ng SB19, Filipino boyband group na namayagpag sa panahon ng pandemya at nang isinusulat ang papel na ito ay kabilang sa mga trending na musika na naitala ng Billboard Music Charts. Gabay ng hermenyutikang lente ni Martin Heidegger, prinoblematisa sa kolaboratibong pag-aaral na ito ang mga (1) panlipunang kontekstong nakapaligid sa diskograpiya ng SB19; (2) ang mga tentatibong imahen nakakabit sa SB19; at, (3) ang mga temang umusbong sa naturang diskograpiya. Sang-ayon sa labintatlong kanta at mga kaugnay na tekstwal na materyales, lumabas na (1) may kaugnayan ang pag-usbong ng musika ng SB19 sa mas malawak na phenomenon ng Hallyu, pandemya’t social media, at ang paggamit ng wikang Filipino at Ingles at iba pang paraan ng code-switching para sa pagbebenta ng musika, (2) ang ugnayan ng BTS sa SB19 at mga kaugnay na detalye ng pag-unlad ng Hallyu, (3) at ang pag-asa, pag-ibig, at tatag ng loob bilang mga tema ng kanilang mga awit. Sa dulo ng pananaliksik, nagbigay ng realisasyon ang mga mananaliksik sa ugnayan ng mga panlabas at panloob na salik sa pagkakalikha ng diskograpiya ng SB19.

Keywords

SB19; diskograpiya; hermeneutika; Araling Filipino; musikang Filipino

Research Theme (for Paper Presentation and Poster Presentation submissions only)

Media and Philippine Studies (MPS)

Start Date

12-5-2022 1:00 PM

End Date

12-5-2022 3:00 PM

This document is currently not available here.

Share

COinS
 
May 12th, 1:00 PM May 12th, 3:00 PM