VP Leni (Kakampinks) at BBM Supporters: Ang nosyon ng positibo at negatibong panatiko
Document Types
Paper Presentation
Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)
Leo Vicentino
Abstract/Executive Summary
Mas tumaas ang engagement ng mga Pilipino sa diskursong politikal sa social media simula nang nag-umpisang magpahayag ng kandidatura ang ilang sa mga kilalang politiko noong Oktubre 2021. Naging tanda ito ng interes ng nakararami sa paksang pampolitika, na siyang maaaring ituring na marka sa kaalaman ng mga Pilipino kaugnay dito. Sa pag-aaral na ito, layuning mailarawan ang kaalaman sa paksa ng mga nakikipag-ugnayan sa diskursong pampolitika sa kasalukuyan. Gamit ang Facebook bilang tahanan ng online discourse, pumili ng dalawang public posts mula sa page ng dalawang pinakakilalang kandidato sa pagkapangulo, VP Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos. Bilang limitasyon, sinuri lamang ang unang 100 “most relevant” na mga komento sa posts matapos nilang ihayag ang kandidatura sa publiko. Sinuri ang mga damdaming maoobserbahan sa bawat komento gamit ang emotional equations ni Conley (2012) upang itakda ang damdaming ipinadama ng nagkomento at nadama ng bumasa. Napansin sa mga komento at sa sidhi ng mga emosyong nadama ang pangingibabaw ng mga sumusunod na katangian ng isang panatiko (Aribowo et al., 2020): a) uncritical enthusiasm, b) extreme belief, c) disability of rationality; at, d) irrational commitment. Sa kabuuan, naihahanay sa dalawang pangkat ang mga komento gamit pa rin ang deskripsyon nila Aribowo et al.: pagiging negatibo at positibong panatiko. At batay sa masusing panghuhusga at pagbibigay ng mga matitibay na pansuportang detalye at panitikan, mas naiuugnay ang mga supporters ni VP Leni bilang mga positibong panatiko; samantala, sa kabaligtaran naman ang halos karamihan sa supporters ni Bongbong Marcos.
Keywords
emotional equations; panatiko; Facebook
Research Theme (for Paper Presentation and Poster Presentation submissions only)
Media and Philippine Studies (MPS)