"Kwentong Dubberkads": Naratibo ng Mga Pilipinong Dubber sa Panahon ng Pandemya

Document Types

Paper Presentation

Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)

Christian P. Gopez

Abstract/Executive Summary

Sinuri ng pag-aaral kung paano nagbago ang buhay ng mga Pilipinong dubber sa panahon ng pandemya at kung paano nakaapekto ang COVID-19 sa industriya ng dubbing sa bansa. Mula sa pakikipanayam sa pitong dubbers, natuklasan ang sumusunod: 1) Nawalan ng pangunahing pinagkukuhanan ng kita ang mga dubbers mula nang magkaroon ng pandemya at maipatupad ang mga lockdown sa bansa; 2) Sinikap ng mga dubbers na humanap ng ibang paraan upang kumita katulad ng pagtatayo ng mga sariling negosyo, pagbuo ng YouTube channels, pamamasukan bilang driver, pagtanggap ng mga proyekto sa pagsulat, at iba pa; 3) Bagama’t mahirap at malayo sa nakasanayang proseso ng dubbing sa loob ng studio, sinubukan ng mga dubbers ang dub from home setup at individual dubbing; 4) Hindi naging madali para sa mga dubbers ang ganitong mga bagong setup sapagkat naapektuhan ng kawalan ng sapat at angkop na kagamitan ang kalidad ng mga materyal na nabubuo sa loob ng tahanan. Limitado rin ang kasanayan nila upang gawin sa loob ng tahanan ang iba’t ibang tungkulin na kinakailangan sa produksiyon; at, 5) Bagama’t nagdulot ng negatibong epekto sa mga dubbers ang pandemya ay nagbukas din ito ng iba’t ibang posibilidad para sa industriya. Mahalaga ang artikulo sapagkat hindi lamang nito itinatala ang kuwento at karanasan ng mga dubbers na matapang na humarap sa COVID-19, bagkus ay inilalarawan din nito ang nagbabanyuhay na industriya ng dubbing sa bansa sa kabila ng pandemya, globalisasyon, rebolusyong pang-industriya 4.0, at paghahanda sa post-pandemic era o pagtatapos ng pandemya.

Keywords

Pilipinong dubber; dubbing; COVID-19; midya at entertainment

Research Theme (for Paper Presentation and Poster Presentation submissions only)

Media and Philippine Studies (MPS)

This document is currently not available here.

Share

COinS
 
May 12th, 3:30 PM May 12th, 5:30 PM