Document Types

Paper Presentation

Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)

Gerald L. Latayan

Abstract/Executive Summary

Ang papel na ito ay tinatalakay ang danas, pagsubok, karanasan, at pag-asa ng komunidad ng Ayta sa Putingkahoy, Rosario, Batangas, sa panahon ng paghihirap dulot ng pandemya na COVID-19. Itinatampok nito ang mga karanasan ng mga mag-aaral at mga naghahanapbuhay sa panahong ito. Ang mga tema tulad ng (1) mga hakbang sa banta ng pandemya, (2) hanapbuhay, (3) ayuda, (4) bakuna, (5) edukasyon, at (6) positibong dala ng pandemya, ay naging posible sa pamamagitan ng paggamit ng paraan ng pagproseso ng datos ni Butina na nagsilbing gabay sa paggawa ng codes, snowball sampling upang magtipon ng mga kalahok, at pakikipagkuwentuhan na kinakailangan upang mabuwag ang istraktura ng interview na may “interviewer-interviewee.” Base sa naging resulta ng pakikipagkuwentuhan sa mga mamamayan ng Putingkahoy, lubos silang nahirapan sa paghihigpit na dala ng pandemya. Lubos itong nakaapekto sa kanilang hanapbuhay, transportasyon, at pangunahing mapagkukunan ng pang araw-araw na kailangan. Bagamat ganito ang naging sitwasyon, sandigan ng bawat isa ang kanilang pamilya at kanilang ikinagagalak ang bayanihan sa kanilang komunidad. Ang papel na ito ay nagsisilbing boses ng mga mamamayan ng Putingkahoy hinggil sa kanilang mga karanasan at hinaing sa tugon ng pamahalaan sa pandemya. Ito rin ay maaaring magsilbing gabay sa pagpapatupad ng mga interbensyon at programa para sa susunod na pandemya, at kahit epidemya.

Keywords

Ayta; COVID-19; Batangas; karanasan; Brgy. Putingkahoy

Research Theme (for Paper Presentation and Poster Presentation submissions only)

Media and Philippine Studies (MPS)

Share

COinS
 
May 13th, 10:30 AM May 13th, 12:00 PM

Kuwentong Buhay: Mga Danas, Pagsubok, at Naratibo ng Pag-asa ng mga Ayta sa Putingkahoy, Rosario, Batangas sa Panahon ng COVID-19