Buying Behavior ng mga Gen Z at Millennial sa Online Shopping sa Panahon ng Pandemya, 2020-2021
Document Types
Business Presentation
Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)
Rica Mae F. Rerigil Imelda E. Bitancor
Abstract/Executive Summary
Ang layunin ng kwantitatibong pag-aaral na ito ay masuri ang buying behavior ng Gen Z at Millenial sa online shopping, sa panahon ng pandemya, 2020-2021. Ang instrumentong ginamit upang mangalap ng datos ay mula sa mga umiiral na survey instrument, at ang survey ay naglalaman ng labing-apat (14) na tanong. Ginamit ang convenience sampling teknik upang makapili ng tatlumpung (30) respondente, edad 15-40 sa Metro Manila. Ang pangangalap ng datos ay nagsimula sa pagbuo ng gabay na tanong para sa survey form. Ipinakita at inaprubahan ito ng dalubguro at ipinadala sa mga kalahok. Nakita sa resulta ng pananaliksik na sa Reliability, nais nilang siguraduhin na ligtas ang kanilang online shopping, samantalang sa Convenience ay nakakaapekto ang distansya ng pagbibilhan at ang availability ng produkto. Ang pagkakaroon ng mababa at sulit na presyo sa Product Price ang siyang lumitaw dito at sa Customer Service, ang magalang at maayos na serbisyo mula sa may-ari ng online na negosyo ay nakaapekto rin sa kanilang buying behavior. Sa huli, ang mga usong produkto at pagkakaroon ng sale ay may impluwensya sa kanilang pagbili sa ilalim ng Promosyon. Bilang kongklusyon ang Product Price, Promosyon, at Customer Service ang pinakamahalagang salik na nakakaapekto sa buying behavior ng Gen Z at Millennial, ito rin ay maaaring makatulong sa mga mamimili.
Keywords
online shopping; reliability; convenience, product price; customer service
Research Theme (for Paper Presentation and Poster Presentation submissions only)
Business Research