Document Types
Paper Presentation
School Code
n/a
School Name
Assumption College, Makati
Abstract/Executive Summary
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang karanasan ng mga negosyante na nagbebenta ng produktong damit pambabae na gumagamit ng estratehiyang green marketing. Ang instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos ay Patnubay na Talatanungan na may labing pitong tanong tungkol sa mga temang green design, green pricing, at green disposal. May walong (8) kalahok na negosyante ng damit galing sa Metro Manila na pinili gamit ang purposive sampling teknik. Isinagawa ang pangangalap ng datos simula sa pagbubuo ng gabay na tanong pagkatapos ay ipinakita at inaprubahan ng dalubguro bago ito ipinadala sa e-mail ng mga tinarget na kalahok hanggang sa isagawa ang video call sa napagkasunduang petsa at oras. Nakita sa isinagawang pananaliksik na ang mga negosyanteng ay gumagamit ng green design sa paraan ng paggamit ng mga sustainable fibers, at ito ay nakakatulong sa kalikasan dahil sa paggamit ng mga natural na mapagkukunan. Lumitaw rin na ginagamit ang green pricing sa paraan ng pagpepresyo ayon sa kanilang gastos. Sa huli, nakita sa pananaliksik na papel na ang paggamit ng mga negosyante sa green disposal ay sa paraan ng pagdo-donate o pagre-recycle ng kanilang retaso at iba pang basura. Sa ganitong paraan nakatutulong sa pagliligtas ng kalikasan. Nirekomenda ng mananaliksik sa mga grupo na maaaring magsagawa ng pag-aaral na gaya nito na mas mapalawig pa ang kaalaman tungkol dito at sa iba pang mga negosyante ng damit pambabae na makita nila ang kahalagahan ng pagsuporta sa green marketing at ang epekto nito sa kinabukasan ng kalikasan ng mundo.
Keywords
green marketing; green design; green pricing; green disposal
Karanasan ng mga Piling Negosyante ng Produktong Damit Pambabae sa Paggamit ng Estratehiyang Green Marketing