Stress, Pag-unlad, at Komitment: Pag-unawa sa lagay ng mga Gurong Job Mismatch sa isang STEM na Paaralan
Document Type
Paper presentation
School Name
Philippine Science High School - Ilocos Region Campus in Ilocos
School Code
N/A
Abstract / Executive Summary
Ang pag-aaral na ito ay nagsusuri sa persepsiyon ng mga gurong nakararanas ng job mismatch, partikular yaong walang kursong pang-edukasyon ngunit nagtuturo sa isang STEM institution. Layunin nitong ilarawan ang kanilang antas ng stress, propesyonal na pag-unlad, at komitment sa pagtuturo, at tukuyin kung may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng mga baryabol na ito. Gumamit ang pananaliksik ng descriptive-correlational na disenyo at purposive sampling upang makuha ang 21 gurong kalahok mula sa Philippine Science High School – Ilocos Region Campus in Ilocos Sur. Ang datos ay nakalap sa pamamagitan ng adapted structured survey questionnaire na may Likert-type scale at sinuri gamit ang frequency at weighted mean para mailarawan ang antas ng mga baryabol at Spearman Rho Rank Correlation upang matukoy ang ugnayan ng mga baryabol. Ipinakita ng resulta na 47.62% ng mga kalahok ay nagtapos ng kursong hindi edukasyon. Lumabas na mataas ang antas ng stress (x̄ = 3.26), lalo na sa kakulangan ng oras, dami ng gawain, at pamamahala ng klase. Gayunpaman, mataas din ang antas ng propesyonal na pag-unlad (x̄ = 3.95) at komitment sa pagtuturo (x̄ = 3.96), na nagpapakita ng patuloy na dedikasyon at propesyonalismo ng mga guro. Batay sa pagsusuri ng ugnayan, walang makabuluhang relasyon sa pagitan ng antas ng stress, propesyonal na pag-unlad, at komitment sa pagtuturo batay sa resulta ng Spearman Rho (p > 0.05). Ayon sa mga natuklasan, kahit may umiiral na job mismatch at mataas na stress, nananatiling matatag ang komitment at pagnanais ng mga guro na umunlad sa kanilang propesyon.
Keywords:
Job mismatch; Stress ng guro; Propesyonal na pag-unlad; Komitment sa pagtuturo