•  
  •  
 

Malay Journal

Abstract

Nilalayon ng pag-aaral na ito na sipatin at suriin ang umiiral na rehistro na ginagamit sa klaseng online ng Filipino. Layunin ng pag-aaral na mabatid kung ano-ano ang rehistro sa klaseng online ng Filipino, maibigay ang kontekstuwal at konseptuwal na kahulugan ng mga rehistro, mabatid ang mga bahagi ng panalita ng mga rehistro, at malaman kung paano ginagamit sa klase ang mga rehistro sa klaseng online ng Filipino. Ang disenyo ng pag-aaral ay kuwalitatibong palarawang pananaliksik na may layuning mailarawan ang mga rehistro sa klaseng online ng Filipino. Nagsagawa ang mga mananaliksik ng pagsipat sa sampung nakarekord na lektura ng dalawang guro na fultaym na nagtuturo sa kolehiyo sa Lungsod Koronadal at pagsuri ng mga naitalang datos sa pamamagitan ng pagsusuring pangnilalaman at pagsusuring panlingguwistika. Sinuri ang mga konseptuwal at kontekstuwal na kahulugan ng mga leksim pang-edukasyon, ang bahagi ng panalita ng bawat leksim, at paano ito ginamit sa pangungusap. Natuklasan sa pag-aaral na hindi nagbabago ang kahulugan ng salita kapag ginagamit sa konteksto, madalas ang paggamit ng code-switching sa daloy ng komunikasyon ng guro sa klaseng online ng Filipino dahil sa pangangailangan, madalas na gumamit ng mga pangngalan ang guro, at batay sa mga natuklasan ay nakabuo ng isang kagamitang panturo na polyeto kung saan nakapaloob ang mga tala ng mga rehistro sa pagtuturo sa klaseng online ng Filipino na magsisilbing sanggunian ng mga guro at mag-aaral sa Filipino.

Share

COinS