Malay Journal
Abstract
Layunin ng papel na ito na ilatag ang pundasyon, mga teoretikal na konsiderasyon at acakademikong direksiyon ng iba’t ibang oryentasyon ng Araling Filipino (AF) bilang inter/multidisiplinaryo at transdisiplinaryong larangan. Binubuo ito ng tatlong bahagi—una, sinipat ang Araling Filipino bilang larangang may paksa, dalumat, metodolohiya at adhika; ikalawa, tinalakay nang masinsinan ang depinisyon at pagkakaiba ng tatlong oryentasyon; ikatlo’t huli, inilatag ang Filipinolohiya bilang mungkahing katawagan sa metodolohiya ng Araling Filipino. Inilagay ng mananaliksik/manunulat ang kaniyang tinig at karanasan sa ilang pag-aaral na ginawa at ginagawa tulad ng sanghiyang sa penomena ng Internet, pantawang pananaw bilang tawa at tuligsa, kritika bilang pagsusuri na/ng may sinasabi kasama ang iba pang pag-aaral ng mga iskolar bilang paghahalimbawa sa estado ng pananaliksik sa Araling Filipino. Sa kalaunan, ang intelektuwalisasyon ng wikang Filipino at sistematisasyon ng pananaliksik at metodolohiya sa pagbuo ng sangandiwa ng ating kaalaman ang sentral at pangmatagalang adhika ng Araling Filipino.
Recommended Citation
Nuncio, Rhoderick V.
(2025)
"Ang Transdisiplinaryong Oryentasyon at Filipinolohiya bilang Metodolohiya ng Araling Filipino,"
Malay Journal: Vol. 37:
No.
2, Article 3.
DOI: https://doi.org/10.59588/2243-7851.1159
Available at:
https://animorepository.dlsu.edu.ph/malay/vol37/iss2/3