Malay Journal
Abstract
Ang Scopus ay isang database ng mga piling journal na itinuturing nilang de-kalidad/de-kalibre. Pag-aari ito ng Netherlands- based na kumpanyang Elsevier, at isa rin sa mga karaniwang batayan ng mga panukatan (metrics) sa mga pagraranggo ng mga unibersidad sa buong daigdig. Bunsod ng nabanggit na realidad, kapansin-pansin ang pag-iral ng Scopus-sentrismo—ang pagkiling sa Scopus bilang isa sa mga pangunahing batayan ng de-kalidad na saliksik – sa mga polisiya ng mga unibersidad sa bansa at ng mga ahensiyang pang-edukasyon at/o pampananaliksik. Sa ganitong konteksto, layunin ng papel na ito na 1) makapagbigay ng makabuluhang impormasyon tungkol sa Scopus at sistema ng mga database ng abstrak at citation; 2) mailarawan ang pangingibabaw ng Scopus-sentrismo (lubos na pagpabor/pagkiling sa Scopus bilang pamantayan ng mahusay at tinatanggap na saliksik) sa mga ahensiya ng gobyerno at mga unibersidad sa bansa; at 3) makapagbigay ng kritik sa Scopus-sentrismo sa Pilipinas. Sa pangkalahatan, replikasyon ito ng kahawig na pag-aaral ni Ramon Guillermo hinggil sa Institute for Scientific Information o ISI, na inilathala ng Asian Studies noong 2000.
Recommended Citation
San Juan, David Michael
(2021)
"Bakit Dapat Manaliksik sa Filipino Ang Mga Pilipino?: Kritik sa Scopus-sentrismo ng Mga Unibersidad at Ahensiyang Pang- Edukasyon at/o Pampananaliksik sa Pilipinas,"
Malay Journal: Vol. 34:
No.
1, Article 6.
DOI: https://doi.org/10.59588/2243-7851.1063
Available at:
https://animorepository.dlsu.edu.ph/malay/vol34/iss1/6