Malay Journal
Abstract
Isa sa mga kahingian sa mga mag-aaral sa antas gradwado ang pagsasagawa ng tesis at disertasyon bilang pinal na gawaing akademiko. Kritikal para sa kaguruang nagpapakadalubhasa sa antas gradwado ang pagpili ng paksang pampananaliksik, pagtukoy ng disenyong gagamitin, at pagpapasya kung anong output ang magsisilbing ambag ng napiling paksa. Sa artikulong ito, inilahad ng mga may-akda ang isinagawang pagsusuring pangnilalaman sa mga saliksik ng mga paaralang gradwado ng programang Filipino. Ang mga ito ay Master sa Filipino, Master ng Sining ng Edukasyon sa Filipino at Doktor ng Pilosopiya sa Filipino. Napag-alaman ng mga mananaliksik na karaniwang mga kagamitang instruksiyonal sa Filipino ang nagsilbing output ng mga sinuring pag-aaral. Kabilang sa mga kagamitang panturo ay mga aklat, modyul, banghay-aralin, diksiyonaryo, at iba pa. Ito ang nagbunsod sa mga mananaliksik upang makabuo ng isang gawaing pang-ektensiyon sa Filipino.
Recommended Citation
Amante Jr., Jaime T.; Balunsay, Jovert R.; and Tindugan, Susan M.
(2021)
"Kategorya at Gamit ng mga Saliksik sa Antas Gradwado sa Piling Unibersidad sa Rehiyong Bikol: Gabay sa Pagbuo ng Panukalang Gawaing Pang- Ekstensiyon sa Filipino,"
Malay Journal: Vol. 33:
No.
2, Article 4.
DOI: https://doi.org/10.59588/2243-7851.1070
Available at:
https://animorepository.dlsu.edu.ph/malay/vol33/iss2/4