•  
  •  
 

Malay Journal

Abstract

Karaniwang inilalarawan ang karagatan sa mga malikhaing akda bilang espasyong pasibo, hindi maarok, nakasisindak, at antitetikal. Subalit may limitasyon ang nasabing mga representasyon lalo kung nagmumula sa terestriyal na pang-unawa. Inilangkap ang historikal at heograpikal na mga paliwanag sa pagsusuri ng mga piling akda ni Gremer Chan Reyes upang palutangin ang ontolohikal, metaporikal, at transgresibong dagat. Isinusulong ng papel na makapagpapayaman sa pag-aakdang literari ang pagkakagagap sa likido at gumagalaw na kalikasan ng karagatan.

Share

COinS