Malay Journal
Abstract
Kilala si Mananzan bilang isa sa mga pangunahing pilosopong Pilipino. Sa pagpanaw ni Emerita Quito noong 2017, tiyak na si Mananzan na ngayon ang pinakabatikang pilosopong Pilipinang nabubuhay. May ilan nang pakikipanayam kay Mananzan ang nailathala na. Ngunit ang mga ito ay nakatuon lamang sa kaniyang pagiging feminista at/o aktibistang madre. Wala pang pakikipanayam ang nailathala tungkol sa kaniyang pagiging pilosopong Pilipina. Para mapunan ang puwang na ito, binalikan ng pangunahing may-akda ang kaniyang mga naisulat at nailathala tungkol kay Mananzan bilang pilosopong Pilipina para madisenyo ang pakikipanayam na ito na nakatuon tungkol sa pilosopiya at praxis ng nasabing pantas. Sa tulong ng pangalawang may-akda, na isang guro sa kolehiyong kinaroroonan ni Mananzan, nabuo nila ang pinal na disenyo at daloy ng proyekto at naisagawa ang pakikipanayam na ito noong ika-12 ng Oktubre at ika-22 ng Nobyembre ng taong 2017.
Recommended Citation
Liwanag, Leslie Anne L. and Romero, Carlo Angelino M.
(2020)
"Madre, Feminista, at Aktibista: Pakikipanayam Tungkol sa Pilosopiya at Praxis ni Sr. Mary John Mananzan, OSB,"
Malay Journal: Vol. 33:
No.
1, Article 5.
DOI: https://doi.org/10.59588/2243-7851.1080
Available at:
https://animorepository.dlsu.edu.ph/malay/vol33/iss1/5