•  
  •  
 

Malay Journal

Abstract

Taglay ang layuning makapag-ambag sa karunungang Pilipino at mga disiplinang nag-aaral sa mga Pilipino, tinalakay at sinuri sa papel na ito si Bayani S. Abadilla at ang kaniyang mahalagang papel sa pagkatatag ng Filipinolohiya sa PUP. Bilang kilalang makabayan at tagapagsulong ng epistemolohiyang Pilipino ay sinilip ang katangian ng kaniyang buhay- intelektwal—manunulat, guro, at kasapi ng kilusan upang maanalisa ang katangian ng Filipinolohiya na naitatag sa PUP. Gamit ang pamamaraang pagsusuri ng nilalaman ng teksto o kontent analisis ay sasagutin ng pag-aaral na ito ang mga katanungang: Sino si Bayani S. Abadilla bilang iskolar at tagapagsulong ng Filipinolohiya?; Ano ang katangian at paano niya ipinunla ang ganitong Filipinolohiya sa PUP?; at Ano ang kasalukuyang kalagayan ng Filipinolohiya sa PUP? Kaugnay nito ay hinati sa tatlong seksiyon ang pananaliksik na ito: intelektuwal na talambuhay ni Ka Bay, kasaysayan ng pagkatatag at katangian ng Filipinolohiyang itinatag niya, at ang paglalahad ng kasalukuyang kalagayan nito sa PUP. Mahalaga ang pag-aaral na ito hindi lang bilang dugtong sa mga pag-aaral ukol sa mga Pilipino kundi bilang paraan na rin ng pagdalumat sa binuong konsepto ng mga Pilipinong iskolar na mahalagang sangkap para sa pagsasateorya at pagsasapraktika ng mga solusyon sa mga suliraning pambansa.

Share

COinS