Malay Journal
Abstract
Pinag-aaralan sa papel na ito ang buhay at produksiyong intelektuwal ni Ernesto A. Constantino (1930–2016). Sa pamamagitan ng isang intelektuwal na talambuhay, ipinapakahulugan at ipinopook ang mga ideya ni Constantino sa mas malawak na kasaysayan ng kaniyang lipunang ginagalawan. Ipinakikita ng papel na ito ang katayuan ni Constantino bilang isang haligi ng lingguwistika at pagpaplanong pangwika sa Pilipinas. Lubusang naging aktibo si Constantino sa pakikibahagi sa dalawang kumbensiyong konstitusyonal (1971–1972 at 1986), na isa sa mahahalagang isyung pinagtalunan ang probisyon sa wikang pambansa. Isang lingguwista at tunay na tagapagtaguyod ng pambansang pagkakaisa at pagkakakilanlan, naghandog si Constantino ng solusyon sa matatawag na “rehiyonalismong pangwika” sa pamamagitan ng universal approach sa pagbubuo ng wikang pambansang ngayo’y kinikilala bilang Filipino. Nahahati ang papel na ito sa apat na sustantibong seksiyon: (1) talambuhay ni Constantino, (2) si Constantino bilang isang lingguwista, (3) si Constantino at pagpaplanong pangwika, at (4) si Constantino bilang poklorista. Sa huli, binibigyang diin ang hindi matatawarang kontribusyon ni Constantino hindi lamang sa kaniyang larangan, kundi sa lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Sa pamamagitan ng kaniyang intelektuwal na talambuhay, ipinakikita na si Constantino ay hindi pasibo kundi isang aktibong ahente ng pagbabagong panlipunan.
Recommended Citation
De Leon, Jay Israel B.
(2020)
"Si Ernesto Constantino at ang Wikang Filipino: Intelektuwal na Talambuhay ng isang Haligi ng Lingguwistika at Pagpaplanong Pangwika sa Pilipinas,"
Malay Journal: Vol. 33:
No.
1, Article 3.
DOI: https://doi.org/10.59588/2243-7851.1078
Available at:
https://animorepository.dlsu.edu.ph/malay/vol33/iss1/3