•  
  •  
 

Malay Journal

Abstract

Ang Bulwagang San La Salle ay ang pinakamatanda at pinakatanyag na gusali sa Pamantasang De La Salle, Maynila, Pilipinas. Dinisenyo ito ni Tomas Mapua, inilatag ang cornerstone nito noong 1920, at pinasinayaan noong 1924. Ginawa ng mga may-akda ang papel na ito bilang kanilang alay sa sentenaryo ng pagkalatag ng nasabing cornerstone, at pati na sa paparating na sentenaryo ng pagpasinaya ng nasabing bulwagan. Apat na dalubhasa ang kinapanayam ng mga may-akda para maidokumento ang kasaysayan, kahalagahan, at kalagayan at direksiyon ng konserbasyon at restorasyon ng nasabing pamanang estruktura. Una ay si Doktor Jose Victor Jimenez, isang assistant professor sa kasaysayan ng Pamantasang De La Salle, na may marami nang pananaliksik at publikasyon na nagawa tungkol sa institusyunal na kasaysayan ng nasabing pamantasan. Ikalawa ay si Ginoong Josemari Calleja, ang kasalukuyang Associate Vice Chancellor for Campus Development ng Pamatasang De La Salle, na siyang nakatutok sa mga ginagawang konserbasyon at restorasyon ng nasabing bulwagan. Ikatlo ay si Doktor Eric Zerrudo, ang direktor ng Center for Conservation of Cultural Property and Environment in the Tropics ng Graduate School ng Pamatasang Santo Tomas, na dalubhasa sa usapin ng konserbasyon at restorasyon ng mga pamanang estruktura sa bansang Pilipinas, at isang alumnus ng Pamantasang De La Salle. Ikaapat ay si Br. Manuel Pajarillo, FSC, dating miyembro ng Board of Trustees ng Pamantasang De La Salle, at kasalukuyang Vice Chancellor for Research ng De La Salle Lipa, at isang Lasallian Brother.

Share

COinS