Malay Journal
Abstract
Dulot ng demokratisasyong ginawa ng digital technology sa produksiyon ng pelikula ang pagyabong ng independent cinema sa Pilipinas. Kasama rito ang mataas na pagkilala’t pagpapahalaga sa mga pelikulang panrehiyon na sumasalamin sa mga kuwento at danas ng pamumuhay sa probinsiya o sa labas ng Metro Manila. Ang mga pelikulang ito ay ayon sa perspektiba ng mga direktor na nagmula sa probinsiyang kanilang kinakatawan. Subalit sa gitna ng mga diskurso tungkol sa masiglang kultura ng paggawa ng pelikula sa iba’t ibang panig ng bansa, kapansin-pansing hindi masyadong napag-uusapan ang mga likha ng mga Bulakenyong direktor sa pelikulang panrehiyon. Nais maipaliwanag ng pag-aaral ang kawalan ng kolektibong turing na “Bulakenyo Cinema” gamit ang mga naratibong nakalap mula sa mga panayam sa apat na Bulakenyong direktor. Pinagnilayan din nila ang kahalagahan ng pagiging malay sa rehiyonal na identidad sa paggawa ng sariling pelikula. Sa bandang huli ay nakapagbigay ang pag-aaral ng mga mungkahi kung paano mapauunlad ang sineng Bulakenyo at masiglang pakikibahagi sa diskurso ng sineng pambansa.
Recommended Citation
Corpuz, David R.
(2020)
"Pagtalunton sa Bulakenyo Cinema: Diskurso at Perspektiba ng mga Piling Direktor mula sa Bulacan,"
Malay Journal: Vol. 32:
No.
2, Article 7.
DOI: https://doi.org/10.59588/2243-7851.1091
Available at:
https://animorepository.dlsu.edu.ph/malay/vol32/iss2/7