•  
  •  
 

Malay Journal

Abstract

Sina Anscar Chupungco, OSB, at Ed Lapiz ay dalawa sa mga pinakamarubdob na tagapagtaguyod ng inkulturalismo sa mundo ng pananampalataya sa Pilipinas. Si Chupungco ay isang Benediktinong monghe, kilala bilang dalubhasa sa liturhiya, at tagapagtatag ng Paul VI Institute of Liturgy at kauna-unahang Pilipinong rector sa Pontifical Atheneum of S. Anselm sa Roma; habang si Lapiz naman ay ang punong pastor at tagapagtatag ng Day by Day Christian Ministries at ng Filipiniana Dance Troupe ng Rural High School, Pamantasan ng Pilipinas Los Baños. Ipinaghahambing ng papel ito ang teorya at praxis ng dalawang Pilipinong intelektuwal batay sa limang puntos: 1) motibasyon at mga batis, 2) teoretikal na diskurso, 3) liturhikal na inobasyon, 4) lawak at lalim ng paggamit ng kulturang Pilipino bilang pundasyon ng inkulturasyon, 5) paraan ng pagpalaganap ng kanilang teorya at praxis, at kasalukuyang estado ng kanilang naging kontribusyon. Nakabatay ang paghahambing na ito sa mga teorya at praxis nina Chupungco at Lapiz sa teoryang Symbolic Interactionism Theory ni George Herbert Mead. Sa pamamagitan ng nabanggit na teorya, makikita ang pagpapaliwanag ng social organization at behavior, ang mga paniniwala na nagbibigay ng kasiyahan (satisfaction) sa tao at sa mga pangangailangan nito sa usapin ng mga senyas at simbolo sa kanilang pang-araw-araw na buhay at kultura. Ibig sabihin, sa pamamagitan ng isang mapanuring paghahambing, lalawak at lalalim ang ating kaalaman tungkol sa inkulturalismo nina Chupungco at Lapiz na mag-aambag naman tungo sa ating kaalaman tungkol sa inkulturalismo sa mundo ng pananampalataya sa Pilipinas.

Share

COinS