•  
  •  
 

Malay Journal

Abstract

Sentro ng pag-aaral na ito ang Blaan, isang etno-lingguwistikong pangkat na matatagpuan sa Katimugang Mindanao, sa ibang panig ng bansa, at sa buong daigdig na lumikha ng bagong lipunan sa social media tulad ng sa Facebook. May tatlong FB Group na umiiral sa kasalukuyan: Dad Blaan Level Up, Blaan Professionals, at Blaan Internationals. Ang Facebook ay nagiging pook ng talastasan, ugnayan, at imbakan ng alaala. Ito ay lunsaran ng pakikipagtalastasan, pakikipag-ugnayan, at pag-alala ng mga personal at panlipunang danas ng mga Blaan. Sinuri sa papel na ito kung paano nakatulong ang nawáh (kabutihan, kalooban, alaala) sa pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa mga kuwento o danas ng mga Blaan. Ito ay maaaring ambag sa kulturang Blaan at lipunang Pilipino.

Share

COinS