•  
  •  
 

Malay Journal

Abstract

Itinuturing na isa sa mga haligi na nagtaguyod ng intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino at ng Pilosopiyang Pilipino si Florentino T. Timbreza. Hindi maipagkakailang hinarap ni Timbreza ang hamon ng situwasyon ng pamimilosopiya na pinagsibulan ng talaban ng mga pananaw sa kairalan o kawalan ng Pilosopiyang Pilipino. Kabilang dito ang patuloy na paggiit sa paggamit ng Wikang Filipino sa pamimilosopiya na tinututulan ng ilan sa mga Pilipinong dalubhasa sa larang. Bilang handog sa ika-80 na kaarawan ni Timbreza, minabuting balikan ang naging estado, hamon, patutunguhan, at kabatiran para sa direksiyon ng Pilosopiyang Pilipino sa pamamagitan ng pilosopikal na diskurso ng pantas. Naisakatuparan ang pakikipanayam kay Timbreza noong ika- 29 ng Hulyo, 2018 at ika-28 ng Abril, 2019 sa kaniyang tahanan sa may Lungsod ng Muntinlupa.

Share

COinS