•  
  •  
 

Malay Journal

Abstract

Layunin ng papel na ilarawan ang pamayanang malapit sa baybayin ng Laguna de Bay na nakararanas ng pagbaha. Ginamit sa pagsipat-suri ang limang ari-ariang bahagi ng Sustainable Livelihood Framework upang mailatag ang kabuuang pagtingin sa kalagayan ng mga taong nakararanas nang matagalang pagbaha sa kanilang lokal na pamayanan. Nagsagawa ng sarbey sa 150 sambahayan at suportado ng datos mula sa saliksik-arkaybal at impormal na pakipagkuwentuhan sa ilang lokal na mga residente. Natuklasang 48% ng populasyon ay mga bata, 66% ng mga puno ng sambahayan ay walang permanenteng trabaho, 6% lamang ang nakatapos ng kolehiyo, ang mga bahay ay gawa sa mahihina at tira-tirang materyales, at hindi organisado ang mga tao para lumahok sa politikal na proseso ng relokasyon. Mahalagang matugunan ng Pilipinas ang problemang may kaugnayan sa disaster lalo ang matagalang pagbaha sapagkat labis itong nakaaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao sa pamayanan.

Share

COinS