Malay Journal
Abstract
Layunin ng pag-aaral na ito na maitampok ang diskurso ng pagsusulatan ng magkapatid na Urbana at Felisa sa deskriptibong pamamaraan. Sa ika-18 siglo naisulat ang akda kaya hindi mapapasubalian ang kalaliman ng pananagalog na ginamit na midyum sa pagsusulatan ng liham ng magkapatid na nasa magkaibang lugar: si Urbana ay nasa Maynila tulad ng ibinabadya ng kaniyang pangalang buhat sa “urban” at si Felisa naman ay nasa probinsiya na ang pangalan naman ay nangangahulugang “kasiyahan.” Inilatag sa pag-aaral na ginamit na midyum ang pagpapalitan ng liham ng magkapatid upang maghatid ng mga aral at kagandahang-asal na sinusunod at ipinasusunod alinsunod sa pamantayan ng lipunan noong panahong iyon.
Recommended Citation
Hicana, Maria Fe G.
(2019)
"Diskurso ng Pagsusulatan ng Dalawang Binibining Urbana at Felisa,"
Malay Journal: Vol. 32:
No.
1, Article 4.
DOI: https://doi.org/10.59588/2243-7851.1098
Available at:
https://animorepository.dlsu.edu.ph/malay/vol32/iss1/4