•  
  •  
 

Malay Journal

Abstract

Isa sa mga mapangahas na nobela ng bantog na manunulat, Faustino Aguilar, ay Kaligtasan na isinulat noong dekada 50. Isinadula sa magkahalong mimetiko/simbolikong paraan ang magulong panahon ng Huk rebelyon at ang anti-komunistang kampanya ng CIA at Ramon Magsaysay. Pinagsanib ni Aguilar ang masalimuot na sangkap ng genre ng nobela upang mailarawan ang tunggalian ng uring magbubukid (sa karakter ni Amando Magat) at mapanikil na panginoong maylupa (kinatawan ni Don Rehino). Sinipat sa isang mapanuya’t mapanudyong pagsusulit ang ipotesis ng repormistang kalutasan sa problema ng di pantay na dibisyon ng gawain at ng produkto nito. Sinuri ang patriyarkong sistema ng dominasyon at pagtakwil dito. Inilapat ang mga teknik pang-alegoriko sa pagbubunyag ng mga kontradiksiyon sa kaisipan at praktika ng mga tipikal na tauhan at pangyayari. Dahil dito, maituturing ito bilang ulirang akda na isang halimbawa ng pinakamahusay na paglalangkap ng tradisyon ng realistikong panitik at mga makataong simulain at prinsipyong nakasalig sa radikal na pagbabago ng lipunan.

Share

COinS