•  
  •  
 

Malay Journal

Abstract

Ang sulating ito’y tumatalakay sa karanasan ng mga TV field reporter na nangangalap ng balita sa dilim ng Maynila. Hangad ng papel na mapagtibay at malaman ang mga dinaranas ng isang TV field reporter batay sa kapaligiran ng kaniyang trabaho - ang dilim ng Maynila. Kinalap ang mga datos sa pamamagitan ng panayam at pagmamasid sa buong siklo ng trabaho ng mga TV field reporter sa buong magdamag. Isinakonteksto ang konsepto ng “loob” upang masuri ang mga salaysay ng sariling danas ng mga piling mamamahayag ng telebisyon. Nabigyang-tuon sa papel ang gamit ng konsepto ng “loob” ni P. Albert E. Alejo (1990). Inilahad ang mga personal na danas ng mga TV field reporter gamit ang mabusising pagtalâkay sa konsepto ng “loob” sa aklat ni P. Alejo. Inilatag sa papel ang mga ito gamit ang mga sumusunod na kaisipan; abot- málay, abot-damâ, at abot-káya. Ang pagtukoy sa konsepto ng “loob” ng mga TV field reporter ay nagsilbing lundayan sa pagkilála sa loob ng lipunang Filipino.

Share

COinS