Date of Publication
4-2025
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master of Fine Arts in Creative Writing
Subject Categories
Poetry
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Literature, Department of
Thesis Advisor
Marjorie Evasco-Pernia
Defense Panel Chair
Ronald Baytan
Defense Panel Member
Clarissa V. Militante
Luna Sicat-Cleto
Abstract/Summary
Ang Dáyo: Mga Tula, na naglalaman ng 31 ekopeministang lakbay-tula sa wikang Filipino, ay isang malikhaing pagdalumat ng isang manlalakbay sa iba-ibang lugar pangturismo sa Pilipinas sa panahon ng Anthropocene. Ito ay may tatlong bahagi: Paglisan, Paglalakbay, at Pagluwas—na naaayon sa naratibo ng hero’s journey ni Joseph Campbell: pag-alis sa pamilyar, paglalakbay at pagiging dáyo sa bagong lugar, at pagbalik na may mas malalalim na pananaw sa sarili, sa inalisang lugar, at sa dinayong lugar.
Ang teorya ng koleksiyon ay nakahanay sa ekokritikal na panitikan ng paglalakbay (ecocritical travel writing), kung saan may pagbibigay-diin sa relasyon ng manlalakbay sa kalikasan at epekto ng turismo sa kapaligiran. May kamalayan rin ito ng diwang kapuluan (archipelagic thinking) ni Édouard Glissant—ang pagtatwa sa hierarkiya batay sa kapangyarihan; at pagtaguyod ng pagkakaiba-iba sa kultura, wika, at sosyo-ekonomiko bilang magkakapantay na mga relasyon. Sa ganitong pamamaraan ng pag-iisip, pantay-pantay din ang pagtingin sa bawat isla ng Pilipinas.
Tinatalakay ng mga tula kung paanong nagiging dáyo sa sariling bansa: ang suliranin ng arkipelago, ang suliranin ng komersiyalismo ng turismo, at ang pakikipag-unahan sa panahon at pagkawasak ng mga destinasyon. Inaasahan ang pagkasindak sa nananaig na mga tagpo, ngunit sa pagkamulat na ito’y inihahain rin ng hiraya ng mga tula ang paghilom sa hinaharap at ang pag-asa na may magagawa pa ang sangkatauhan.
Mga susing salita: travel writing, travel poems, ecopoetry, ecofeminism, tourism
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Keywords
Poetry; Travel writing
Recommended Citation
De La Cruz, C. I. (2025). Dáyo: Mga tula. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_lit/25
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
4-11-2026