Date of Publication
4-2025
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master of Arts in History
Subject Categories
Asian History | Social History
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
History
Thesis Advisor
Ma. Florina Orillos-Juan
Defense Panel Chair
Lars Raymund C. Ubaldo
Defense Panel Member
Marcelino M. Macapinlac, Jr.
Michael Charleston B. Chua
Abstract/Summary
Tinalakay ng pag-aaral na ito ang kasaysayan ng Palanan, Isabela mula 1972 hanggang 1981 gamit ang pamamaraang pangkasaysayan at kasaysayang pasalita (i.e. oral history). Isinalaysay at sinuri ng mananaliksik ang epekto ng Batas Militar sa pang-araw-araw na buhay ng mga taga-Palanan. Natukoy ng mananaliksik ang takot na dulot ng militarisasyon at mga operasyong kontra-New People’s Army, ang pagpapatupad ng curfew, pagbabawal sa pagtitipon, at mga pagbabagong nakaapekto sa pagkain, pangangalakal, edukasyon, pampalipas-oras, at pakikisalamuha sa militar.
Bagaman liblib at hiwalay mula sa ibang bayan ng Lambak ng Cagayan, naranasan ng mga taga-Palanan ang mga hamon ng Batas Militar. Ginamit ng mananaliksik ang teorya ni Bernhard Waldenfels tungkol sa apat na aspekto ng pang-araw-araw na buhay upang ipaliwanag kung paano nagbago at umangkop ang mga mamamayan sa mga local na reyalidad na bunsod ng pagpapatupad ng Batas Militar. Inilarawan ng pananaliksik ang takot at tensyon sa subjective experience (karanasan ng indibidwal), ang pagbabagong idinulot ng curfew at pag-iwas sa mga pagtitipon sa typical practical actions (mga karaniwang gawi), ang epekto ng militarisasyon sa ugnayan ng sibilyan at militar sa long rhythms (mahahabang siklo ng buhay), at ang kakayahan ng mga mamamayan na umangkop sa mga patakaran sa mobile forms of rationality (mga pagbabago sa panuntunan o lohika ng pag-iisip).
Mga Susing Salita: Batas Militar, Kasaysayang Panlipunan, Isabela, at Pang-araw-araw na Buhay
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Keywords
Martial law--Philippines--Isabela; Social history
Recommended Citation
Monta, V. S. (2025). Isang kasaysayang panlipunan ng Palanan, Isabela: Mga epekto ng batas militar sa pang-araw-araw na buhay ng mga taga-Palanan (1972-1981). Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_history/11
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
4-1-2025