Date of Publication
5-8-2025
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Film and Media Studies
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Feorillo Petronillo A. Demeterio, III
Defense Panel Chair
Rowell D. Madula
Defense Panel Member
Deborrah S. Anastacio
David Michael M. San Juan
Gian Carlo D. Alcantara
Analiza D. Resurreccion
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pagsusuri ng mga pelikulang tumalakay sa digmaan kontra-droga (drug war) na naganap sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte mula 2016 hanggang 2020. Ang isyu ng extra-judicial killings (EJKs) ay naging sentro ng diskurso hindi lamang sa loob ng bansa kundi maging sa pandaigdigang larangan, lalo na sa mga internasyonal na human rights group. Ang marahas na kampanya kontra-droga ang nagdulot ng negatibong imahe sa Pilipinas at nagpatibay sa bansag na "sick man of Asia."
Sinuri sa pag-aaral na ito ang sampung pelikula (10) tungkol sa pagsugpo ng ilegal na droga. Ginamit ang semiyolohiya ni Roland Barthes bilang lente ng pagsusuri upang tukuyin ang mga icon (signifier), retorikal na estratehiya, diskurso (signified), at kabuuang mitolohiya (mythologies) ng digmaan kontra-droga.
Natuklasan na sa 10 pelikulang sinuri, ang mga pelikulang Ma’Rosa, Alpha: The Right to Kill, Amo, Kamandag ng Droga, at Double Barrel (Sige! Iputok mo) ay naglahad ng pagsuporta sa kampanya ng dating pangulo. Natukoy ang pitong icon kaugnay rito. Ito ang 1) pagpapairal ng kaayusan; 2) pagdadala ng kapayapaan; 3) proteksiyon sa masa; 4) pagkakaloob ng hustisya; 5) pagbabagong panlipunan; 6) pagsugpo sa katiwalian; at 7) matapat na paglilingkod. Samantala, ang mga pelikulang Madilim ang Gabi, Neomanila, Buybust, at Watch List ay naglahad naman ng pagbatikos sa kampanya sa pamamagitan ng walong icon. Ito ang: 1) pagsasamantala sa mahirap/kahirapan; 2) pagsasamantala sa inosente/biktima; 3) pagpapalaganap ng takot; 4) pag-iral ng sistema ng gantimpala at parusa; 5) pagsasamantala sa kapangyarihan; 6) paglalaro sa buhay at kaligtasan; 7) paggamit sa digmaan bilang impluwensiya; at 8) pagtatanghal ng lakas ng estado.
Sa pagsusuring ito, ginamit ang retorika ni Barthes upang matukoy kung paano binubuo ng pelikula ang diskursong ayon sa semiyolohiya ni Barthes. Ang mga pelikula ay may tendensiyang ipakita ang hegemonikong naratibo na pumapabor sa estado, habang ang ibang pelikula ay nagpakita ng alternatibong pananaw na humahamon sa nanaig na diskurso ng drug war. Lumitaw sa pag-aaral na ang pelikula ay maaaring maging kasangkapan hindi lamang sa pagpapalaganap ng ideolohiya kundi maging sa pagbuwag ng dominanteng naratibo sa pamamagitan ng alternatibong representasyon ng realidad.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Keywords
Drugs in motion pictures; Drug control --Philippines
Recommended Citation
Villanueva, M. E. (2025). Semiyolohikal na pagsusuri sa representasyon ng digmaan kontra-droga (drug war) ng rehimeng Duterte sa mga piling pelikula. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/33
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
5-7-2026