Date of Publication
2025
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Communication | Curriculum and Instruction
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
David Michael M. San Juan
Defense Panel Chair
Feorillo Petronilo A. Demeterio III
Defense Panel Member
Rhoderick V. Nuncio
Maria Lucille Roxas
Dexter B. Cayanes
Serlie B. Jamias
Abstract/Summary
Adhikain ng larang ng komunikasyong pangkaunlaran o development communication (DevCom) ang pagsusulong at pagpapadaloy ng kaunlaran sa mga umuunlad na lipunan at komunidad. Sa pagnanais na makaambag sa pagsasanay ng mga estudyante bilang mga praktisyoner ng DevCom sa hinaharap, nilayon ng pananaliksik na mabatid ang umiiral at potensiyal na kabuluhan ng wikang Filipino sa edukasyon sa DevCom sa College of Development Communication (CDC), University of the Philippines Los Baños (UPLB). Ang pananaliksik ay gumamit ng kuwalitatibong dulog, repleksib na lapit, at sosyokultural na lente. Ito ay sumandig sa epistemolohiya ng konstruksiyonismong panlipunan. Ang mga datos ay kinalap sa pakikipag-usap sa mga piling tagapagbatid, pag-oobserba sa fildwurk ng tatlong kursong DevCom, at pagsusuri ng kaugnay na dokumento sa CDC. Sinuri ang mga datos sa pamamagitan ng panimulang pagbabasa, pag-uugnay sa layon, pagtatagni-tagni sa mga napag-ugnay, pagtatahi-tahi sa mga napagtagni, at pagninilay. Sa CDC, ang wikang Filipino ay nagsisilbing sekondaryang wika ng diskurso sa akademya, opsiyonal na wika sa produksiyon ng mga artepakto ng pagkatuto, at nakagawiang wika sa talastasang bayan sa komunidad ng fildwurk. Ang mga balakid sa paglago ng kabuluhan ng wikang Filipino sa edukasyon sa DevCom ay ang mahinang diskurso sa wikang Filipino sa CDC at kakulangan ng tuon sa pagsasanay ng mga estudyante ng kolehiyo sa pakikipagtalasang-bayan at sa pagsusulat at pagsasalin sa wikang pambansa. Malaki pa ang pontensiyal ng wikang Filipino sa pagpapaunlad ng edukasyon sa DevCom sa CDC bilang madiskursong wika ng akademya, mayamang wika ng talastasang bayan, at maka-Pilipinong wika ng mga artepakto ng pagkatuto. Mula sa resulta, nabalangkas ang isang panukalang kurso sa komunikasyong pangkaunlarang Pilipino at isang iskolaring paghahaka hinggil sa pagpapalakas ng boses ng mga katalastasang Pilipino sa istoryang DevCom.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Keywords
Filipino language—Study and teaching--Philippines--Los Baños; Education, Higher--Philippines; University of the Philippines (Los Baños)—Curricula
Recommended Citation
Daya, R. A. (2025). Umiiral at potensiyal na kabuluhan ng wikang Filipino sa edukasyon sa development communication (DevCom) sa University of the Philippines Los Baños: Tungo sa isang maka-Pilipinong larang ng komunikasyon. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/31
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
4-23-2026