Date of Publication
3-2025
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Publishing
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Feorillo Petronilo A. Demeterio III
Defense Panel Chair
Rowell D. Madula
Defense Panel Member
Raquel E. Sison-Buban
David Michael M. San Juan
Fernando A. Santiago
Bernardo N. Sepeda
Abstract/Summary
Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas subalit Ingles ang wika ng akademya at pananaliksik. Sa 520 journal sa Pilipinas na natipon sa pag-aaral, sampu lámang ang monolingguwal sa Filipino at karamihan sa mga nailimbag na saliksik sa higit isang siglong kasaysayan ng bansa sa siyentipikong publikasyon ay nakasulat sa Ingles at hindi sa pambansang wika. Gamit ang Constructivist Grounded Theory na kumikilala sa mananaliksik bilang aktibong bahagi ng mundo na kaniyang pinag-aaralan at nagtataguyod sa esensya ng paglikha sa halip na basta pagtuklas, nabuo ang Súhay—isang maka-Pilipinong modelo o paradaym na may layuning patatagin ang mabuwáy na estado ng publikasyon sa bansa at isulong ang buháy at masiglang kultura ng iskolarling paglalathala sa pambansang wika. Sandigan nito ang isinagawang pagsusuri sa mga bibliyometrikong datos na mano-manong kinalap mula sa sampung monolingguwal na journal na umiiral sa bansa at ang mga panayam sa mga editor at iskolar na naglalathala sa wikang Filipino. Sa gitna ng dumaraming predatoryong publikasyon, tumitingkad na gahum ng banyagang wika, lumalalim na epekto ng globalisasyon, lumilinaw na dominasyon ng malalaking pwersa, lumalaking isyu sa rehiyonalismo, lumalawak na pagkiling sa mga internasyonal na ranking at malalaking database, at lumalalang kalakaran sa makanegosyong sistema ng paglalathala, itinataguyod ng Súhay ang mga pananaliksik na mula sa mga Pilipino, nakasalig sa kontekstong Pilipino, umiikot sa diskursong Pilipino, at kapaki-pakinabang para sa mga Pilipino. Taglay nito ang limang elemento—ang Sámay, Simpâ, Sariyá, Sayúsay, at Sírang. Inilalarawan ng bawat elemento ang mga reyalistiko, kongkreto, at makakabuluhang hakbang na maaaring isagawa ng mga editor, iskolar, at iba’t ibang mahahalagang sektor pampananaliksik upang tugunan ang mga natuklasang isyu at suliranin sa proseso ng paglalathala sa sariling wika. Nakasandig ito sa mga pambansang polisiya at programa ng pamahalaan habang pinahahalagahan ang gampanin ng mga unibersidad, institusyong pampananaliksik, propesyonal na organisasyon, pribadong sektor, at tagapagtaguyod ng wika. Mahalaga ang ambag ng pag-aaral sapagkat itinatampok nito ang isang makatotohanan, mapagpalayà, at kontra-gahum na dulog sa pagpapalakas ng siyentipikong produksyon ng kaalaman sa bansa sa gitna ng mga maka-Kanluraning pamantayan, proseso, at kamaláyang umiiral sa kasalukuyan.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Keywords
Filipino language—Study and teaching; Scholarly publishing--Philippines
Recommended Citation
Gopez, C. P. (2025). Súhay: Isang maka-Pilipinong modelo sa pagsúlong ng iskolarling publikasyon sa wikang Filipino. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/30
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
4-21-2025