Date of Publication
4-2025
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Insurance
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Rowell D. Madula
Defense Panel Chair
Raquel E. Sison-Buban
Defense Panel Member
David Michael M. San Juan
Deborrah S. Anastacio
Leslie Anne L. Liwanag
Lars Raymund C. Ubaldo
Abstract/Summary
Abstrak
Bilang panimulang pag-aaral at bilang tugon sa kakulangan sa pag-aaral sa life insurance, ang disertasyon na ito ay nagpokus sa pagkuha ng datos kung paano inuunawa ng ahente at kliyente ang kanilang danas sa bentahe, usapin, hadlang, ayuda, at yaman sa life insurance at ano ang kahulugan at kabuluhan ng pangakong ginhawa ng life insurance sa ahente at kliyente. Ang mga naunang pag-aaral ay naisagawa sa kwantitatibong pamamaraan at pumapatungkol sa mga salik na nakaaapekto sa pagbili o pagtangkilik ng life insurance.
Ito ay penomenolohikal na kwalitatibong pag-aaral. Ginamit ang pakikipagkuwentuhan at ginabayang talakayan ng Sikolohiyang Pilipino bilang metodo sa pagkuha ng datos na siyang ginamit ding teksto ng pananaliksik. Ito ay nilahukan ng labingsiyam (19) na ahente at labingwalong (18) kliyente. Pinili ang kalahok na may danas sa life insurance na may edad labingwalo pataas. Piniling itago ang pagkakakilanlan ng mga ahente at kliyente.
Ang pakikipagkuwentuhan at ginabayang talakayan ay nairekord, sumailalim sa transkripsyon, deduktibong tematikong pag-aanalisa gamit ang B-U-H-A-Y (bentahe, usapin, hadlang, ayuda at yaman). Ginamit ang mga konseptong nakapaloob sa teorya na ginhawa ni Villaroman- Bautista at sinuri ang datos batay dito.
Sa pag-aaral na ito, inilarawan ang danas ng ahente at kliyente sa life insurance. Ang mga tiyak na layunin ng pag-aaral na ito ay (1) Ano-ano ang naratibo ng danas ng ahente kaugnay ng Bentahe ng life insurance; Usapin tungkol sa life insurance; Hadlang sa pag-aahente ; Ayuda mula sa life insurance; at Yaman na galing sa life insurance. (2) Ano-ano ang mga naratibo ng danas ng kliyente kaugnay ng Bentahe ng life insurance: Usapin tungkol sa life insurance; Hadlang sa pagbili ng kliyente, at Yaman na galing sa life insurance? (3) Paano nagkakaroon ng kahulugan at kabuluhan ang ginhawang pangako ng pagbebenta at pagbili ng life insurance?
Ang isinagawang pagdalumat sa B-U-H-A-Y ng danas ng ahente at kliyente ay nagbigay ng malalim na pag-unawa sa danas, ambag sa kahalagahan ng literasing pangpinansyal at ambag sa teorya ng ginhawa sa konteksto ng life insurance.
Natuklasan sa pag-aaral ang maganda at hindi magandang danas ng ahente at kliyente sa life insurance. Sa pamamagitan ng pag-alam sa danas ng bentahe, usapin, hadlang, ayuda, at yaman ng ahente sa life insurance ay maaaring mapahusay ng ahente ang kaniyang mga estratehiya sa pagbebenta, relasyon sa kliyente at kakayahang mapalakas ang kaniyang sikolohikal at emosyonal na kalagayan. Parehong mahalaga ang literasing pinansyal sa mga kliyente at gayundin sa ahente. Ang ginhawa o buhay na magaan para sa mga ahente ay seguridad, kapanatagan ng isip at ang makatulong sa kapwa habang ang ginhawa para sa mga kliyente ay financial freedom at komportableng buhay.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Keywords
Life insurance--Philippines; Life insurance agents--Philippines
Recommended Citation
Cabardo, R. T. (2025). Pagdalumat sa B-U-H-A-Y: Danas ng ahente at kliyente sa life insurance. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/28
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
4-21-2026