Date of Publication

12-17-2024

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Film and Media Studies

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Thesis Advisor

Deborrah S. Anastacio

Defense Panel Chair

Deborrah S. Anastacio,

Defense Panel Member

Christopher Bryan A. Concha
Efren J. Domingo

Abstract/Summary

Nabuo ang Museo ng Pag-asa matapos ang Halalan 2022. Nagsimula sa isang Facebook Live ni Dating VP Leni Robredo, inilarawan sa opisyal na websayt ng Angat Buhay ang Museo ng Pag-asa bilang kolaborasyon ng mga malilikhaing indibidwal mula sa iba’t-ibang larang bilang pagpupugay sa pag-asang itinaguyod ng Pink Revolution. Sa bisa nito, naging kalakasan ng kampanya ang malikhaing pag-iisip o witticisms ng mga Kakampink na may malaking repleksyon sa mga likhang-sining na iniregalo kay Robredo sa panahon ng kaniyang kampanya. Nakalap ang datos sa pamamagitan ng kalitatibong panayam sa mga naratibo ng mga tagapamahala, boluntir, at bisita na nagbahagi ng kanilang personal na karanasan sa Museo ng Pag-asa. Naging pokus ng artikulo ang pagtalakay sa espasyo ng Museo ng Pag-asa at ang tematikong ayos ng ilang likhang sining na ibinahagi kay Robredo noong panahon ng kampanya na sinuri sa pag-aaral. Gamit ang Filipino placemaking ni Ozaeta noong 2005, sinasalamin nito ang diwa at halaga ng espasyo sa pagkakakilanlang Pilipino. Sa isinagawang pagsusuri ng mga pananaw ng mga mahahalagang tao sa museo, kolektibo nilang inilarawan ang museo bilang safe space at pangalawang tahanan sa ibinahaging koneksyon nito. Sa huli, hindi natatapos sa bawat sulok ng museo ang pagtindig; bagkus isa itong lifelong advocacy ng mga manlilikha upang gamitin ang kanilang pagkamalikhain at pagiging masining bilang panawagan sa kanilang pagkauhaw sa isang maayos na pamamahala

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Keywords

Maria Leonor Gerona Robredo, 1965-; Museums--Philippines; Political art--Philippies

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

12-16-2026

Available for download on Wednesday, December 16, 2026

Share

COinS