Pagbuo ng modyul 1 para sa special Filipino beginners' program sa baitang 7 ng DLSU IS
Date of Publication
4-2018
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Curriculum and Instruction
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Dolores R. Taylan
Defense Panel Chair
Raquel Sison-Buban
Defense Panel Member
Dexter B. Cayanes
Rowell D. Madula
Abstract/Summary
Maraming banyaga ang pinipiling manirahan at mag-aaral sa Pilipinas dahil sa iba’t ibang kadahilanan gaya ng pagkakadestino sa trabaho, pagnenegosyo ng kanilang mga magulang, pagkakaroon ng murang edukasyon kung ikukumpara sa kanilang bansa, at higit sa lahat, ang pagkagustong makapag-aral ng wikang Ingles. Malaking hamon sa mga paaralan at unibersidad sa bansa, pribado man o pampubliko na matugunan ang pangangailangan ng mga banyagang mag-aaral hindi lamang sa pag-aaral ng wikang Ingles kundi lalo na, sa pagkatuto ng wikang Filipino. Isa sa mga paaralang may ganitong pangangailangan ang De La Salle University Integrated School (DLSU IS) kung saan kasalukuyang nagtuturo ang mananaliksik ng wikang Filipino sa mga banyagang mag-aaral. Sa labindalawang taong pagtuturo ng mananaliksik sa mga banyagang mag-aaral ng Filipino bilang pangalawang wika, ninais ng mananaliksik na maging epektibo ang pagtuturo sa pamamagitan ng
paggamit ng modyul. Sa pagbuo ng isang modyul, kinakailangan na alamin ng mananaliksik ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral. Sa pagtiyak ng pangagailangan ng mag-aaral, kinailangan na alamin ang profayl ng mga mag-aaral na nasa Special Filipino Beginners’ Program. Ilan sa mga kinuhang impormasyon mula sa mag-aaral ay ang kanilang lahi, edad, bago o dating mag-aaral, at wikang ginagamit. Pagkatapos malaman ang profayl ng mga mag-aaral, kinakailangan na kilalanin ang target na gagamit ng modyul. Ang mag-aaral ba ay ihahanay sa Special Filipino Beginners’ Program, na di marunong magsalita at umunawa ng wikang Filipino, o sa Special Filipino
Enhancement Program, na marunong magsalita at uunawa ngunit dapat pang pagtuon ng pansin ang gramatika sa paggamit ng wikang Filipino. Mahalaga ang bahaging ito upang malaman kung saan nararapat ang mag-aaral na ihanay na modyul. Ilang proseso ang kinakailangan na pagdaanan ng mga mag-aaral, at ito ay ang suusunod; (1) pagbibigay ng pretest o paunang pagtataya, (2) sasailalim ang mga mag-aaral sa isang interbyu na pangungunahan ng koordineytor ng Filipino. Sa pagsasakatuparan ng epektibong pagtuturo, mahalagang angkop at mahusay ang lalamanin ng isang modyul na gagamitin para sa mga mag-aaral. Kaya naman mula sa prinsipyo ni David Arthur Wilkins na ginawang gabay ng mananaliksik sa paglikha ng modyul. Ang modyul sa prinsipyo ni Wilkins ay nakatuon sa mga sumusunod; (1) layunin, (2) Mga gawain sa pagtugon sa layunin, at (3) aplikasyon.Sa pagsulat ng modyul, kinakailangang nakatuon sa pangangailangan at kakayahan ng mag-aaral ang modyul upang maging epektibo ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa paghahanda naman ng mga gawain sa pagtugon sa layunin kinakailangan na iayon ito sa interes at kakayahan ng mga mag-aaral. Ang mga gawain na dapat ihanda ay napapanahon at maaaaring iugnay sa kasalukuyang panahon upang mas madali nilang maintindihan ang kanilang mga aralin mula sa mga gawain na inihanda. At ang panghuli ay ang aplikasyon, kinakailangan na maghanda ang guro ng iba’t ibang sitwasyon na nangyayari sa paligid nang sa gayon ay maiaplay ng mga mag-aaral ang kanilang natutunan. Halimbawa nito ay ang wastong paraan ng pagpapakilala sa sarili, sa pamilya at sa kaibigan.Mula sa pagtukoy ng prinsipyo ni Wilkins, handa na ang mananaliksik na sumulat ng modyul. Sa pagsulat ng modyul, mahalagang isaalang-alang ang mga paksang gagamitin na pangunahing kailangan ng mga mag-aaral. Mula sa pangangalap sa mga paksang ginamit na noon ng mananaliksik at iba pang guro na nagtuturo ng Special Filipino Beginners’ Progra at sa pagtuklas ng mananaliksik ng Language Ab Initio ng International Baccalaureate Organization, naisa-isang naihanay ang mga paksang gagamitin. Napansin ng mananaliksik na karamihan sa mga paksa ng organisasyon ay ginagamit na ng mananaliksik at ilang mga guro sa DLSU IS ngunit hindi lamang ito nasa tamang pagkakasunod-sunod. Agad binago ng mananaliksik ang pagkakasunod-sunod ng mga paksa. Mula sa mga paksang nabuo, inihanda na ng mananaliksik ang pagbuo ng isang modyul. Ang mga paksa sa modyul ay ang
Relasyon sa Kapwa, Pang-araw-araw na Gawain, Mga Pagdiriwang, at Mga Pagkaing Pilipino. Inaasahang makamit ng mga mag-aaral ang pagkatuto sa wikang Filipino at magiging malay rin sila sa kultura ng Pilipinas. Sa nabuong modyul, hindi lamang ang kulturang Pilipino ang nakilala ng mga banyaga kundi pati na rin ang kamalayan sa bisyon at misyon ng Pamantasang De La Salle dahil sa paglalakip sa mga gawain ng Expected Lasallian Graduate Attributes (ELGA). Masasabing matagumpay ang isang likhang modyul kung ito ay nataya ng mga gurong gagamit nito gayundin ang pinaglalaanan nito, ang mga mag-aaral. Ang isinagawang ebalwasyon ng modyul mula sa guro at mag-aaral, natiyak sa pag-aaral na epektibo at magandang simula ang pagbuo ng modyul sa DLSU-IS na maaaring sundan ng iba pang mga guro na nagtuturo naman ng Filipino sa mga banyagang mag-aaral na nasa mas mataas na antas. Ang ilan sa mga maitutulong ng modyul ay ang mga sumusunod; (1) malaman ng mga guro ang mga paksa at tamang pagkakasunod-sunod ng mga paksang ituturo. (2) makatuklas ng iba’t iba’t pagdulog o teknik sa pagtuturo ng pangalawang wika na napapanahon (3) malaman ng mga guro ang mga website o kagamitan na maaaring magamit sa pagtuturo ng wikang Filipino na makakatulong na makahikayat sa interes ng mga banyagang mag-aaral at (4) mabibigyan ng ideya ang mga guro ng mga maaaring performance task para sa mga mag-aaral upang masukat ang kanilang mga natutunan sa pag-aaral ng Filipino bilang pangalawang wika. At para naman sa mga mag-aaral na nag-aaral ng wikang Filipino bilang pangalawang wika, hindi lamang nila matututunan ang Filipino, makikilala rin nila ang mayamang kultura ng mga Pilipino. Ang mga pagsasanay, gawain, mga pagtataya o pagsubok ay kakikitaan di lamang ng pagsukat sa kakayahan ng mga mag-aaral kundi maging ang kultura ng mga Pilipino tulad ng paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa kapwa, wastong paraan ng pagbati at paggalang sa nakakatanda. Nakapaloob sa modyul ang iba’t ibang paraan ng pagpapakilala, una, pagpapakilala sa sarili, pangalawa, pagpapakilala sa pamilya at pangatlo ang pagpapakilala sa kaibigan. Maituturing itong isang ambag ng pag-aaral sa DLSU IS dahil ito ang magsisilbing gabay ng mga guro sa kanilang pagtuturo at magiging daan din upang magkaroon sila ng batayan sa pagbuo ng kanilang mga sariling modyul sa hinaharap.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Accession Number
CDTG007693
Shelf Location
Archives, The Learning Common's, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
1 computer optical disc; 4 3/4 in.
Keywords
Filipino language--Study and teaching
Upload Full Text
wf_no
Recommended Citation
Servo, P. D. (2018). Pagbuo ng modyul 1 para sa special Filipino beginners' program sa baitang 7 ng DLSU IS. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/7208
Embargo Period
12-19-2024