Ang orientalismo sa fotografia ni Eduardo Masferre
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Photography
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Feorillo Petronilo A. Demeterio III
Defense Panel Chair
Rhoderick V. Nuncio
Defense Panel Member
Fanny A. Garcia
Raquel Sison-Buban
Abstract/Summary
Ang tesis na Ang Orientalismo sa Fotografia ni Eduardo Masferré ay isang kritikal na pagsipat sa mga obra ng fotografer na bahagi ng aklat na E. Masferré, People of the Philippine Cordillera Photographs, 1934-1956 na inilathala noong 1988. Ito ay isang kalipunan ng mga retrato ni Masferré, ang tinaguriang ama sa larangan ng fotografia sa Pilipinas, na nagpapakita ng mga imahe hindi lamang ng mga Igorot ngunit maging kung paano namumuhay at naghahanapbuhay ang mga taga-Cordillera. Gamit ang teorya ng orientalismo at semiotika sinuri ang mga
retrato ni Masferré upang tumugon sa katanungan na anu-ano ang mga orientalistang elemento sa mga kuhang retrato ni Masferré at paano nabuo ang orientalismong pananaw na ito sa kanyang sining. Inilahad sa pananaliksik na ito kung sino si Masferré at anu-ano ang kanyang mga obrang sining, ang mga elementong orientalista na makikita rito, at ang mga puwersang humubog sa kanyang orientalismo. Bahagi rin ng pag-aaral ang mga kabanatang tumatalakay sa kultura at pamumuhay ng mga taga-Cordillera na sabjek ng mga retrato ni Masferré at ang mga positibong kontribusyon ng mga retratong ito.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Electronic File Format
MS WORD
Accession Number
CDTG004894
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy, Sr. Hall
Physical Description
1 computer optical disc ; 4 3/4 in.
Keywords
E. (Eduardo) Masferré, 1909-1995; Photography--Philippines--History
Upload Full Text
wf_no
Recommended Citation
dela Cruz, A. (2025). Ang orientalismo sa fotografia ni Eduardo Masferre. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/7190
Embargo Period
3-6-2024