Baklang intelektuwal: Pagdalumat sa buhay, praksis at teksto ni Danton Remoto

Date of Publication

7-2019

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Feminist, Gender, and Sexuality Studies

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Feorillo Petronillo A. Demeterio, III

Defense Panel Chair

Elenita D. Garcia

Defense Panel Member

David Michael M. San Juan
John Iremil E. Teodoro

Abstract/Summary

Lantad sa tesis na ito ang dalawang konseptong pinag-ugnay na pag-aaral hinggil sa intelektuwal at kulturang bakla at sekswalidad sa Pilipinas upang humantong na makalikha ng bagong ideya at mungkahing termino na baklang intelektuwal.
Sa kaisipang Pilipino, kadalasan ng mga hinihirang na intelektuwal ay ang mga manunulat. Gamit ang mga teksto, nailalantad ng mga manunulat ang mga nabuong di matatawarang kaisipan at pilosopiyang nakaambag sa pagpapabuti ng kalagayan at pagpapausbong ng karunungang Pilipino. Kadugtong ng edukasyon ang pagluwal sa mga manunulat na nagtamo ng mataas na antas ng karunungan bilang kapital na historikal at kultural sa paglikha ng mga bagong ideolohiya na tutugon at mailalapat sa mga aktibong pagkilos hinggil sa sosyo-politikal na usapin ng bansa.
Dala ng pagiging macho at heterosentril ng lipunan, unti-unting nagkatinig ang mga homosekswal upang tumindig sa diskriminasyong kanilang nararanasan. Hindi nalalayong ito rin ang dahilan ng pagsilang ng mga baklang manunulat na ginagamit ang panitikan sa tuwirang pagkondena sa patuloy na umiiral na homopobya upang makastigo ang diskriminasyon na mismong mga makata ang nakararanas kaya hayag sa kanilang mga panulat ang tuwirang pagbabaklas sa dikta ng lipunan.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Accession Number

CDTG008159

Keywords

Intellectuals; Gay people; Gender identity in literature; Danton Remoto, 1963-

Upload Full Text

wf_no

Embargo Period

1-20-2025

This document is currently not available here.

Share

COinS