Date of Publication

2007

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doctor of Arts in Language and Literature Major in Filipino

Subject Categories

Reading and Language

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Teresita B. Fortunato

Abstract/Summary

PAMAGAT: Development at Evalwasyon ng Isang Prototipong Programa sa Pagtuturo ng Filipino Bilang Banyagang Wika LAYUNIN: Naglalayon ang pag-aaral na ito na makadevelop ng isang prototipong programa sa pagtuturo ng Filipino bilang banyagang wika. Tiyak na layunin ng riserts ang mga pamamaraan sa pagdevelop at pag-evalweyt ng isang prototipong programa sa pagtuturo ng Filipino bilang banyagang wika na lilinang sa mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. Mahalaga ang pag-aaral sapagkat inaasahang makatutulong ito sa mga dayuhang magaaral upang matugon ang kanilang mga pangangailangang makipagtalastasan sa paraang sosyal at akademik. May silbi ang pag-aaral na ito sa mga guro, administrador, dayuhang mag-aaral at mananaliksik ng banyagang wika. Ang pag-aaral na development at evalwasyon ng isang prototipong programa ay naglalaman ng sapat na batayan para sa integrasyon ng mga aspekto ng pagkatuto ng wika at maging ng kulturang Pilipino. Ang lahat ng aralin ay nakafokus sa komunikatibong dulog na lumilinang ng kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. Tatlong (3) mahalagang hakbang ang sinunod ng risertser sa pagdevelop at pag-evalweyt ng programa: 1) Sarvey o paglikom ng mga kaalaman sa pagtuturo ng banyagang wika at paglikom ng mga pangangailangan ng mga dayuhang mag-aaral sa pagkatuto ng banyagang wika. 2) Development at evalwasyon ng isang prototipong programa na tutugon sa mga pangangailangan ng mga dayuhang mag-aaral at 3) Revisyon at modipikasyon ng nadevelop na prototipong programa batay sa evalwasyong ginawa ng mga eksperto. iii Bilang paghahanda, inalam muna ng risertser ang kasalukuyang istatus ng mga kasalukuyang ginagamit na programa sa pagtuturo ng Filipino bilang banyagang wika ng mga piling kolehiyo at Universidad sa NCR. Pagkatapos, nanghingi siya ng sipi ng mga kasalukuyang ginagamit na programang pangwika at silabus para sa pagtuturo ng Filipino para sa mga dayuhang mag-aaral. Batay sa nakalap na datos binigyan ng pansin ang mga natukoy na pangangailangan ng mga dayuhang mag-aaral sa pagkatuto ng banyagang wika. Naghanap ang risertser na kaugnay na literatura at pag-aaral na may kaugnayan sa pagkatuto at pagtuturo ng banyagang wika at development at evalwasyon ng prototipong programa sa wika. Pumili ng modelo sa pagdevelop at evalwasyon ng programa sa wika upang maging batayan sa pagbuo ng programa sa pagtuturo ng Filipino bilang banyagang wika. Nang matapos ang programa, ipina-evalweyt ang programa sa mga eksperto sa pagtuturo ng banyagang wika. Isinaalang-alang ang resulta ng evalwasyon ng mga eksperto para sa kasapatan at kaangkupan ng programa. Isinunod ang paggawa ng revisyon at modipikasyon ng programa. Inisa-isa ng risertser ang bawat aytem upang matiyak na may mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat na malinang sa bawat bahagi nito, gayundin ang integratibong gawain ng bawat aralin. Tinignan din kung naging konsistent sa paggamit ng mga anyo ng pananalita. Tiniyak ng risertser na ang lahat ng mungkahi ng mga eksperto ay nasunod upang maging maayos, mabisa at matiyak na angkop sa target na gagamit ang dinevelop na programa. Inilarawan ang istatus ng programa sa pagtuturo ng Filipino bilang banyagang wika ng sampung (10) kolehiyo at Universidad sa NCR na naging batayan sa pagtukoy ng mga pangangailangan ng mga dayuhang mag-aaral: 1) Katangian ng guro, 2) Katangian ng silabus, 3) Layunin ng programa, at 4) Asesment na ginagamit sa bawat aralin. Binibigyang fokus din ang evalwasyon ng programa. Naging patnubay sa prosesong ito ang mga sumusunod: 1) Kaangkupan ng layunin at gawain, 2) Kahalagahan ng bokabularyo, 3) Paggamit iv ng makatotonan/ realistikong ekspresyon at pahayag sa mga gawain, 4) Kawilihan ng mga paksang komunikatibo at iskolarli, 5) Kasapatan at kalinawan ng mga gawain, 6) Kasapatang malinang ang mga kasanayan, at 7) Kahalagahan ng mga gawain sa integratibong programa. Sa pagtatapos, napatunayan ng riserts na ang mga programa sa pagtuturo ng Filipino bilang banyagang wika ay nasa dulog gramatikal at komunikatibo kaya kinailangang madevelop ang isang prototipong programa na may anyong integratibo at komunikatibo.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Accession Number

CDTG004262

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

viii 99 leaves ; 28 cm.

Keywords

Education, Curriculum and Instruction; Curriculum planning; Curriculum development; Filipino language—Study and teaching

Upload Full Text

wf_yes

Share

COinS