Ang diskurso ng araling Filipino ng DLSU-Departamento ng Filipino
Date of Publication
9-2019
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Discourse and Text Linguistics
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Feorillo Petronilo A. Demeterro, III
Defense Panel Chair
Rhoderick V. Nuncio
Defense Panel Member
Rodrigo D. Abenes
Dexter B. Cayanes
Rowell D. Madula
Madelene A. Sta. Maria
Abstract/Summary
Nilayon ng pag-aaral na ito na maipakilala ang diskurso ng Gradwadong Programang Araling Filipino sa DLSU-Departamento ng Filipino sa pamamagitan ng mga produksyon ng kaalaman mula sa mga isinagawang disertasyon ng mga gradwadong mag-aaral at iskolarling saliksik ng mga propesor na tagapagtaguyod nito. Ninais na matukoy kung ano ang pangkalahatang tema/diskurso, nilalaman, at direksiyon ng Araling Filipino (AF) ng Gradwadong Programa ng DLSU-Departamento ng Filipino. Salig sa mga pangunahing prinsipyo ng Sikolohiyang Pilipino, Pantayong Pananaw, at Pilipinolohiya sa pag-aaral ng kaisipan, lipunan, at kultura, binigyang pansin sa pananaliksik ang mga naging paksa kaugnay sa tatlong pangkalahatang domeyn na wika, kultura, at midya bilang medyor ng nasabing programa. Bukod pa rito, sinuri din ang mga teorya-metodong sinasandigan ng mga pag-aaral. Sa pamamagitan ng mga ito, binigyang-anyo ang saklaw at naging tunguhin ng pagdidiskurso bilang mga natatanging ambag nito sa Araling Filipino, sa lipunan, at sa kalinangang Filipino.
Gamit ang sistematikong rebyu ng mga literatura para sa tematikong pagsusuri, natuklasan sa pag-aaral ang katangiang multidisiplinal sa paksa sa AF. Pangunahing pinagtutuunan ng paksa kaugnay sa wika ang mga usapin sa patakarang pangwika at edukasyon, pagsusuring pampanitikan at pansining sa erya ng kultura, at ang kulturang popular sa erya naman ng midya. Natukoy rin ang metodolohikal na impormasyon gayundin, ang ugnayan ng mga katutubo at banyagang kaisipan sa pagdadalumat sa kaisipan, lipunan, at kultura. Ginagad sa mga disertasyon at mga iskolarling saliksik ang baha-bahagi ng kasalukuyang lipunan at hindi nagwawaksi ng pagtanggap ng anumang pagbabago sa hinaharap. Nakapagbahagi ito ng mga kaalaman sa sarili at nakapagbigay ng kabuluhan sa kaniyang karanasan, pananaw, at damdaming bayan.
Natuklasan mula sa pag-iisa-isa sa mga disertasyon at ng mga iskolarling saliksik ang malawak na saklaw ng mga paksa at teorya-metodo na nagpapatibay sa malawak ding kakayahan ng Araling Filipino sa pagpapaigpaw ng kamalayan ng mga iskolar nito hinggil sa diskursong lokal, pambansa, rehiyonal, at internasyonal. Mula sa ginawang pagsusuri, napatunayang pangunahing tunguhin ng mga pananaliksik ang pag-aambag ng mga bagong dalumat at metodo para sa pag-unawa at pagsusuri ng kongkretong kalagayan ng tao at ng tiyak nilang mga karanasan. Matutunghayang nakahihigit na ang pag-unawa ng mga iskolar sa mga katotohanang kakabit ng kanilang mga naging tuon sa isinagawang pag-aaral at pananaliksik.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Accession Number
CDTG008229
Keywords
Filipino language—Study and teaching--Philippines; Discourse analysis--Philippines
Recommended Citation
Mojica, M. L. (2019). Ang diskurso ng araling Filipino ng DLSU-Departamento ng Filipino. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1503
Upload Full Text
wf_no
Embargo Period
3-10-2025