Date of Publication

9-2020

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Other Languages, Societies, and Cultures

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Thesis Adviser

Dexter B. Cayanes

Defense Panel Chair

Rhoderick V. Nuncio

Defense Panel Member

Rodrigo Abenes
Raquel E. Sison-Buban
Rowell D. Madula
Lars Raymund C. Ubaldo

Abstract/Summary

Malaki ang gampanin ng Diasporang Pilipino sa aspektong pang-ekonomiya ng Pilipinas dahil gasolinang maituturing ang remittances ng mga manggagawang Pilipino o OFW mula sa ibang bansang. Sa paglisan ng mga OFW patungo sa iba’t ibang pook-trabahuan sa daigidig bitbit nila ang sariling kultura. Ang kulturang ito ay maaaring maimpluwensyahan ng dinatnang kultura o mananatili dahil patuloy paring nakaugnay sa pinagmulang lugar.
Samantala, malaki ang naging bahagi ng mga Ilokano sa lokal at global na migrasyon. Kilala ang Ilocandia lalo na ang Isabela na laging sinasalanta ng bagyo sanhi na rin ng katangiang topograpikal ng pook. Samantalang nagiging pangkaraniwan na lamang sa mga mamamayan na mag-aayos at magpapatayo muli ng kanilang mga tahanan na nawasak ng kalamidad. Maraming pagkakataon na kakikitaan ang pook ng resiliency `kung saan patuloy silang bumabangon sa kabila ng kahirapang kanilang natatamo. Agrikultura ang mayoryang ikinabubuhay niIa na tumatagal ng tatlo hanggang apat na buwan bago mag-anihan bagay na nag-uudyok sa kanila upang ,magtipid at mag-impok at laging naghahanap ng ibang pagkakakitaan. Ito ang posibleng dahilan kung bakit naging bansag sa kanila ang pagiging kuripot at karamihan sa kanila ay nangingibang-bayan o nangingibang bansa sa paniniwalang ito ang magbibigay sa kanila ng panatag na buhay.Isinagawa ang pag-aaral na ito upang makilala ang kuripot o panagkuripot bilang marangyang padas o danas ng mga Ilokanang OFW ng Isabela sa Singapore.Lumabas sa pag-aaral na ang istigma sa mga Ilokana na makasarili at
walang pakikisama dahil sa kultura ng pagkukuripot ay kalakasang-kultural ng etnolingwistikong grupo dahil sinasalamin nito ang kalinangang Ilokano na nangunguna sa matalinong paggasta na kailangan ng naghihikahos na komunidad tulad ng kanilang kinamulatan. Bunga ng pamamaraang pagdalaw, pagmamasid- pakikilahok, pakikipagkwentuhan at focus group discussion lumabas sa pag-aaral na diverse, mayaman at multi-layered ang mga padas o D.A.N.A.S ng mga Ilokanang makitigtigged iti ballasiw taaw o OFW bilang babae, kapamilya (anak, kapatid, asawa, ina) empleyado at gangannaet (turista) kapwa sa Isabela at sa Singapore. Naipakita na malaki ang impluwensya ng panagkuripot o pagkukuripot sa pagbuo ng lokal at global na identidad ng mga kalahok bunga ito ng kanilang pagsasabuhay ng halagahang Pilipino tulad ng pagtalyaw it naimbag a nakem (pagtanaw ng utang na loob), pannakikadwa (pakikisama) at panagparabur (pagbibigay) ay makikitang bitbit nila pabalik sa kanilang pook na pinagmulan. Mula rito,nakasangkapan ang kanilang likas na kultura sa proseso ng glokalisasyon na makikita sa kanilang mga pagpupundar at pakikibahagi sa kanilang komunidad. Dahil pakasaritaan, malilirip ang D.A.N.A.S ng mga kalahok tungo sa higit na pagkilala sa pangkalahatang kalalagayan ng mga kababayang OFW napumapaloob sa proseso ng glokalisasyon at pagpopook bilang pagpapatingkad sa Kultura at Araling Filipino.

Mga Susing Salita: diasporang Pilipino, kulturang-Ilocano, kuripot, glokalisasyon,

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Physical Description

v, 526 leaves

Keywords

Employment in foreign countries--Philippines--Ilocos; Glocalization--Philippines; Filipino diaspora; Culture--Philippines--Ilocos

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

4-6-2022

Share

COinS