Title

Si lalake nagpasarap, si babae naghirap: Karanasan ng mga babaeng nakiapid ang mga asawa

Date of Publication

2000

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

Subject Categories

Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makapagbigay ng detalyadong salaysay sa naging karanasan ng mga babaeng ang asawa ay nakiapid. Malalimang pakikipanayam ang ginamit na metodo sa pagkalap ng datos. Ang walong kalahok ay napili sa pamamagitan ng chain referral sampling at purposive sampling . Inanalisa ang nakalap na datos sa pamamagitan ng pagsuri ng bawat salaysay ng kalahok. Sinuri ang bawat salaysay ayon sa mga elementong nabuo batay sa Kaugnay na Literatura at sa naging resulta ng bawat panayam. Ang nabanggit na mga elemento ay ang tauhan, tagpo, reaksyon, epekto, paraan ng pagkaya sa problema at resolusyon. Makikita sa resulta na ang mga esposa ang kallimitang isa sa mga huling nakaaalam ng ukol sa pambabae ng kanilang mga asawa. Ngunit bago pa man nila talagang makonpirma ang panloloko ng kanilang esposo ay may mga nakikita na silang iba't-ibang tanda ng pagtataksil. Sa oras na makonpirma nila ang ukol dito ay kalimitang galit ang nagiging una nilang reaksyon. Marami ring nagbabago sa buhay ng isang babaeng napagtaksilan at kalimitan ito ay hinggil sa pagiging abala sa ibang bagay. Ang mga epektong ito ay maaaring maiugnay sa kanilang piniling paraan para kayanin ang kanilang problema na madalas ay pagpapabaya na lamang o di kaya ay emotional blackmail. Sa huli ay umiisip din ng paraan ang mga babaeng nabanggit para resolbahin and ukol sa ginagawang panloloko ng kanilang mga asawa upang maayos ang relasyon at pakikitungo nila sa isa't-isa matapos ang pagtataksil ng esposo.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU09454

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

177 leaves ; Computer printout

Keywords

Adultery; Wives--Psychology

Embargo Period

2-2-2021

This document is currently not available here.

Share

COinS