•  
  •  
 

Dalumat: Multikultural at Multidisiplinaryong E-Journal sa Araling Pilipino

Abstract

Ang punang ito ay tungkol sa karanasan ng may-akda na dayuhan at kung bakit naging abnormal siya dahil marunong siyang mag-Filipino at Kapampangan sa bansang Pilipinas. Samakatwid, ang pinakatanong ng artikulong ito ay ano ba talaga ang pamantayan at normal sa relasyon ng Pilipinx at dayuhang puti pag dating sa wika? Sa karanasan ng may-akda, naging sentido kumon na normal ang mag-Ingles at abnormal ang mag-Filipino at mag-iba pang katutubong wika. Ganito kalalim ang internalisasyon at normalisasyon ng Ingles bilang wika ng Pilipinx sa harapan ng dayuhang puti sa Pilipinas. Kaya pag dating sa wika, kayumanggi ang balat pero puti ang maskara sa salita ni Franz Fanon. Ayon kay Fanon, ang ganitong internalisasyon at normalisayon ng mga pagpapahalaga ng mga coloniser sa kamalayan ng mga colonised ay ang pinakamatinding naiwang pamana ng kolonisasyon. Matinding pamana ito pero hindi ibig sabihin na ganap na nawala ang diwa at pagpapahalaga ng Pilipinx. Sa katunayan, madaling tanggalin ang maskara pag dayuhang asyano (halimbawa Intsik o Indian) ang kausap ng Pilipinx. Sa katapusan, ang punang ito ay tungkol sa wika bilang daluyan ng kamalayan bilang Pilipinx, Kapampangan at iba pang pagkakakilanlan. Kamalayan na kailangang lumabas sa dialektikang kolonyal upang umusad at umunlad.

Share

COinS