Dalumat: Multikultural at Multidisiplinaryong E-Journal sa Araling Pilipino
Abstract
Umiiral ang malalalim na suliranin ng healthcare system sa Pilipinas, kabilang ang kakulangan ng pondo, limitadong akses sa kalidad na pangangalaga, at mataas na gastusin sa medisina. Ginagamit ni Ramon Christian “Arshie” Larga na mas kilala sa username na “@arshielife,” isang lisensyadong parmasyutiko at content creator, ang TikTok bilang plataporma upang magbigay ng wastong impormasyon at labanan ang maling paniniwala sa kalusugan. Kilala si Arshie sa mga video tungkol sa medisina at kalusugan, na may tanyag na panimula sa kaniyang mga video na "let me explain." Sa tulong ng semiolohiya ni Roland Barthes (1915-1980), sinuri ng pag-aaral na ito ang TikTok videos ni Arshie, na tumatalakay sa mga sumusunod na mito: 1) ang kagustuhang makalibre o makamura; 2) ang pagtangkilik sa mga pekeng gamot; 3) ang tendensiyang mag-self-medicate; 4) ang pagbili ng gamot na hindi over-the-counter nang walang reseta; 5) ang stigma sa pagbili ng mga supplement at condom; at 6) ang pagsandig sa TikTok para sa impormasyong medikal. Layunin ng pananaliksik na suriin ang mga kaugalian at diskurso sa healthcare practices ng Pilipino na makikita sa mga TikTok video ni Arshie. Ipinapakita rin nito kung paano binabago ng TikTok ang dihital na diskurso sa kalusugan at nasasalamin nito ang mga isyu sa healthcare system.
Recommended Citation
Nombrefia, Kiana Ysabel A.; Dumaraos, Tracy Valerie E.; Liwanag, Leslie Anne L.; Liwanag, Lois Mauri Anne L.; Austria, John Eliquiel Jose C.; and Mangaran, Mon Karlo L.
(2025)
"Mula Botika Tungong Tiktok: Semiotikong Pagsusuri sa Diskurso ng Filipino Healthcare Practices mula kay Arshie Larga,"
Dalumat: Multikultural at Multidisiplinaryong E-Journal sa Araling Pilipino: Vol. 10:
No.
1, Article 5.
DOI: https://doi.org/10.59588/2094-4187.1017
Available at:
https://animorepository.dlsu.edu.ph/dalumat/vol10/iss1/5