•  
  •  
 

Dalumat: Multikultural at Multidisiplinaryong E-Journal sa Araling Pilipino

Abstract

Gamit ang pagmamapang kultural ay kinalap at inilarawan ng pag-aral na ito ang mga ekolohikal na palatandaan ng pagsama ng panahon at mga katutubong paghahandang ginagawa ukol dito ng malalayo at tabing-dagat na mga komunidad sa Partido Erya, Bikol. Palarawan ang disenyo at pagpamamapang pangkultural na ginabayan ng katutubong pamamaraan sa pananaliksik ang ginamit ng mga mananaliksik sa pangangalap ng mga datos. Ang mga tekstuwal na transkrip ng interbyu mula sa mga impormante ay sinuri gamit ang thematic at content analysis. Natuklasang may kaugnayan sa heograpikal na lokasyon at pamumuhay ng dalawang sangkot na komunidad ang mga ekolohikal na palatandaan ng pagsama ng panahon. Samantalang ang mga pabigat, pang-ipit, at pansuporta na mga paghahandang ginagawa sa kabahayan ay lokal na mekanismong nalikha mula sa katutubong pang-unawa ng mga komunidad sa kondisyon ng panahon. Pinalilitaw ng ginawang pagsusuri na ang pagsasanib ng mga pang-araw-araw na karanasan, ekolohikal na kaalaman, at halagahang-kultural na matatagpuan sa mga katutubong kaalamang inilarawan ay nakakaambag sa katatagan ng komunidad laban sa kalamidad. Inilarawan ng pag-aral na ito ang isang rehiyunal na pagkakakilanlan at kakayahan ng mga Bikolano sa pagharap sa kalamidad na maaaring makaambag sa mas malawak na komunidad.

Share

COinS