•  
  •  
 

DLSU Arts Congress Conference Proceedings

Abstract

Maraming mga Pilipinong pintor ang nakilala sa loob at labas ng bansa dahil sa angking kahusayan ng kanilang mga likhang obra. Magkagayunpaman, iilang pintor lang ang nagkaroon ng mataas na rekognisyon o pagkilala. Mula sa malaking bilang ng mga tanyag at mahuhusay na pintor, mapapansing malaking bahagdan ng mga ito ay lalaki. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang teknik at estilo nina Anita Magsaysay-Ho (1914-2012) at Karen Ocampo Flores (1966) bilang tugon sa mga hamon ng kanilang panahon, masuri ang pagbabago ng tuon ng kanilang obra bilang politikal na alagad ng sining, at malaman kung paano ginamit ni Flores ang estilo at tema ni Magsaysay-Ho bilang panibagong kahulugan. Ginamit ng pag-aaral ang archiving at deskriptibong disenyo bilang pangunahing pamamaraan ng pananaliksik. Napatunayan ng pag-aaral na si Magsaysay-Ho ay gumamit ng neo-realistikong estilo upang patingkadin ang dignidad ng mga ordinaryong kababaihang Pilipino habang si Flores ay gumamit ng mixed-media at satirikal na estilo upang ipakita ang babae bilang may kapangyarihan at kakayahang lumaban sa mga istrukturang mapang-api. Ang dalawang pintor ay nagpakita kung paano ang kanilang sining ay naging bahagi ng kultural at panlipunang pagbabago na nagbukas ng daan para sa panlipunang kamalayan at pagbabago. Ito rin ay naglalayong magkaroon ng mas malalim pang pagsusuri sa kontribusyon ng mga babaeng pintor sa kasaysayan ng sining biswal ng Pilipinas at magbigay ng hustisya sa kanilang posisyon bilang mga alagad ng sining ng bansa.

Share

COinS