Sino ang Takot sa Kasaysayan?: Pagsusuri sa mga Paglalarawan tungkol sa Diktadurang Marcos sa mga Aklat-aralin sa Araling Panlipunan 6 ng K-12 Curriculum
Document Types
Paper Presentation
School Name
De La Salle University Manila
Track or Strand
Humanities and Social Science (HUMSS)
Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)
Macawili, Roland Abinal
Start Date
23-6-2025 3:30 PM
End Date
23-6-2025 5:00 PM
Zoom Link/ Room Assignment
Y501
Abstract/Executive Summary
Malaki ang impluwensya ng mga akademikong teksto ng Araling Panlipunan sapagkat itinuturing ito na mapagkakatiwalaang tagapagtala ng kasaysayan—subalit nananatili ang mga alalahanin hinggil sa posibleng pagbaluktot ng naratibo ukol sa Diktadurang Marcos sa mga kagamitang pang-edukasyon. Ang pangambang ito ay lalo pang tumindi kasunod ng halalan noong 2022 at siyang nag-udyok sa mga historyador, akademiko, at mga biktima ng rehimen na kumilos. Nilalayon ng pag-aaral na ito na suriin ang paglalarawan tungkol sa Diktadurang Marcos sa mga aklat at modyul ng Araling Panlipunan sa Baitang 6 sa loob ng K-12 Curriculum, sa konteksto ng aklat-aralin bilang isang ideolohikal na aparatong pang-estado. Gamit ang kritikang panloob at Critical Discourse Analysis, siniyasat ang pagbabago ng mga naratibo sa ilalim ng mga administrasyong Aquino, Duterte, at Marcos Jr. upang matukoy ang mga anyo ng rebisyonismo—ang pagbaluktot at pagtanggi ng kasaysayan. Ginamit din ang NVivo software sa pagtukoy ng mga temang lumitaw sa teksto. Ipinakita ng pagsusuri na mayroong malinaw na pag-uurong sa lalim at talas ng pagtalakay tungkol sa diktadura sa mga aklat at modyul mula 2015 hanggang 2023—mula sa kritikal at makasaysayang paglalarawan patungo sa mas ‘balanse' at limitadong naratibo. Isinisiwalat nito ang lumalalim na ugnayan sa pagitan ng diskursong pang-edukasyon at kapangyarihang pampulitika, at kung paanong ang edukasyon ay nagiging kasangkapan sa paghubog, o pagbaluktot, ng pambansang kamalayan at kolektibong alaala.
Keywords
rebisyonismong pangkasaysayan; pagbaluktot ng kasaysayan; pagtanggi sa kasaysayan; Diktadurang Marcos; edukasyon; aklat-aralin
Research Theme (for Paper Presentation and Poster Presentation submissions only)
Theoretical, Philosophical, and Historical Studies (TPH)
Initial Consent for Publication
yes
Statement of Originality
yes
Sino ang Takot sa Kasaysayan?: Pagsusuri sa mga Paglalarawan tungkol sa Diktadurang Marcos sa mga Aklat-aralin sa Araling Panlipunan 6 ng K-12 Curriculum
Malaki ang impluwensya ng mga akademikong teksto ng Araling Panlipunan sapagkat itinuturing ito na mapagkakatiwalaang tagapagtala ng kasaysayan—subalit nananatili ang mga alalahanin hinggil sa posibleng pagbaluktot ng naratibo ukol sa Diktadurang Marcos sa mga kagamitang pang-edukasyon. Ang pangambang ito ay lalo pang tumindi kasunod ng halalan noong 2022 at siyang nag-udyok sa mga historyador, akademiko, at mga biktima ng rehimen na kumilos. Nilalayon ng pag-aaral na ito na suriin ang paglalarawan tungkol sa Diktadurang Marcos sa mga aklat at modyul ng Araling Panlipunan sa Baitang 6 sa loob ng K-12 Curriculum, sa konteksto ng aklat-aralin bilang isang ideolohikal na aparatong pang-estado. Gamit ang kritikang panloob at Critical Discourse Analysis, siniyasat ang pagbabago ng mga naratibo sa ilalim ng mga administrasyong Aquino, Duterte, at Marcos Jr. upang matukoy ang mga anyo ng rebisyonismo—ang pagbaluktot at pagtanggi ng kasaysayan. Ginamit din ang NVivo software sa pagtukoy ng mga temang lumitaw sa teksto. Ipinakita ng pagsusuri na mayroong malinaw na pag-uurong sa lalim at talas ng pagtalakay tungkol sa diktadura sa mga aklat at modyul mula 2015 hanggang 2023—mula sa kritikal at makasaysayang paglalarawan patungo sa mas ‘balanse' at limitadong naratibo. Isinisiwalat nito ang lumalalim na ugnayan sa pagitan ng diskursong pang-edukasyon at kapangyarihang pampulitika, at kung paanong ang edukasyon ay nagiging kasangkapan sa paghubog, o pagbaluktot, ng pambansang kamalayan at kolektibong alaala.
https://animorepository.dlsu.edu.ph/conf_shsrescon/2025/paper_tph/3