BINI-hag na mga Kalalakihan: Isang Photo-Narrative na Pag-aaral sa mga Gen-Z Fanboys ng Isang Pinoy Pop Girl Group

Document Types

Paper Presentation

School Name

De La Salle University Senior High School - Manila

Track or Strand

Humanities and Social Science (HUMSS)

Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)

Miranda, Janeson, M.

Start Date

23-6-2025 1:30 PM

End Date

23-6-2025 3:00 PM

Zoom Link/ Room Assignment

Y505

Abstract/Executive Summary

Sa lumalawak na kultura ng fandom sa Pilipinas, patuloy na nabubuo ang iba’t ibang uri ng tagahanga, kabilang na rito ang mga lalaking Gen-Z na tagasuporta ng mga girl group gaya ng BINI. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong ilahad ang mga mga kwento, karanasan, at pananaw ng fanboys ng BINI. Gumamit kami ng photo-narrative na metodo upang mas malalim na masipat ang panatisismo ng mga Gen-Z na kalalakihan sa pamamagitan ng mga larawan at naratibong ibinahagi ng pitong (7) kalahok na nagtataglay ang mga katangian ng isang fanboy. Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga mahahalagang karanasan at pananaw ng mga kalahok bilang mga BINI fanboy na nagbunsod sa pagkabuo namin sa isang metaporikal na framework—ang Naratibong Balangkas ng Pagsibol ng Fanboys na may tatlong pangunahing tema: Pagbibinhi, Pagpapalago, at Pamumukadkad. Kabilang sa Pagbibinhi ay ang mga temang (a) mahalagang papel ng mass media sa pagtuklas, (b) pagpukaw ng atensyon, (c) paghanga sa pang-indibidwal na talento at kahusayan bilang grupo, at (d) unang pakikibahagi; sa Pagpapalago ay ang (a) unti-unting pagbuo ng katapatan, (b) malalim na personal/emosyonal na koneksyon, (c) integrasyon sa pang-araw-araw na buhay, at (d) pakikilahok sa komunidad ng fans; at sa Pamumukadkad naman ay (a) pagkakakilanlan at pagmamalaki bilang isang tagahanga, (b) patuloy na pakikipag-ugnayan at pakikilahok sa fandom, at (c) inspirasyon at personal na pag-unlad. Sa pangkalahatan, ang pagiging fanboy ay posibleng hindi lamang pansamantalang karanasan, kundi ito ay isang makabuluhang bahagi ng pagkatao at pagkakakilanlan.

Keywords

fanboys; Gen-Z; P-pop; BINI; photo-narrative

Research Theme (for Paper Presentation and Poster Presentation submissions only)

Media and Philippine Studies (MPS)

Statement of Originality

yes

This document is currently not available here.

Share

COinS
 
Jun 23rd, 1:30 PM Jun 23rd, 3:00 PM

BINI-hag na mga Kalalakihan: Isang Photo-Narrative na Pag-aaral sa mga Gen-Z Fanboys ng Isang Pinoy Pop Girl Group

Sa lumalawak na kultura ng fandom sa Pilipinas, patuloy na nabubuo ang iba’t ibang uri ng tagahanga, kabilang na rito ang mga lalaking Gen-Z na tagasuporta ng mga girl group gaya ng BINI. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong ilahad ang mga mga kwento, karanasan, at pananaw ng fanboys ng BINI. Gumamit kami ng photo-narrative na metodo upang mas malalim na masipat ang panatisismo ng mga Gen-Z na kalalakihan sa pamamagitan ng mga larawan at naratibong ibinahagi ng pitong (7) kalahok na nagtataglay ang mga katangian ng isang fanboy. Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga mahahalagang karanasan at pananaw ng mga kalahok bilang mga BINI fanboy na nagbunsod sa pagkabuo namin sa isang metaporikal na framework—ang Naratibong Balangkas ng Pagsibol ng Fanboys na may tatlong pangunahing tema: Pagbibinhi, Pagpapalago, at Pamumukadkad. Kabilang sa Pagbibinhi ay ang mga temang (a) mahalagang papel ng mass media sa pagtuklas, (b) pagpukaw ng atensyon, (c) paghanga sa pang-indibidwal na talento at kahusayan bilang grupo, at (d) unang pakikibahagi; sa Pagpapalago ay ang (a) unti-unting pagbuo ng katapatan, (b) malalim na personal/emosyonal na koneksyon, (c) integrasyon sa pang-araw-araw na buhay, at (d) pakikilahok sa komunidad ng fans; at sa Pamumukadkad naman ay (a) pagkakakilanlan at pagmamalaki bilang isang tagahanga, (b) patuloy na pakikipag-ugnayan at pakikilahok sa fandom, at (c) inspirasyon at personal na pag-unlad. Sa pangkalahatan, ang pagiging fanboy ay posibleng hindi lamang pansamantalang karanasan, kundi ito ay isang makabuluhang bahagi ng pagkatao at pagkakakilanlan.

https://animorepository.dlsu.edu.ph/conf_shsrescon/2025/paper_mps/9